Paano ako hihiling sa pagtanggal ng isang memorya o markang tao mula sa isang tao?

Upang humiling sa pagtanggal ng memorya, makipag-ugnayan sa naglagay o gamitin ang katangian na Mag-ulat ng Abuso.

  • Maaari kang humiling sa pagtanggal ng memorya mula sa FamilySearch.
  • Maaari kang humiling sa pagtanggal ng markang tao sa memorya.
  • Kung ang iyong pangalan ay nasa markang paksa, maaari mo mismong tanggalin ang marka.
  • Maaari kang humiling sa pagtanggal ng karapatan -sa-pag-sipi ng materyal.

Tuwirang makipagtulungan sa taga-ambag ng memorya. Kung tumanggi ang taga-ambag sa iyong kahilingan, gamitin ang Iulat ang Abuso.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa FamilySearch website, buksan ang memorya.
  2. Pindutin ang pangalan ng taga-ambag. Padalhan ang taga-ambag ng email o mensaheng FamilySearch kasama ang iyong kahilingan.
  3. Kung ang taga-ambag ay hindi tumugon o tumalima sa iyong kahilingan, kontakin ang FamilySearch.
    1. Buksan ang memorya.
    2. Sa tuktok ng pahina ng memorya, pindutin Iulat ang Abuso.
    3. Pindutin ang isang nasa mga pagpipilian.
    4. Sa kahon, ipaliwanag ang problema, kung ano ang gusto mong gawin ng FamilySearch tungkol dito, at kung ano ang ginawa mo para subukang lutasin ang problema.
    5. Pindutin ang Ibigay.

Mga Hakbang (Family Tree mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, buksan ang memorya.
  2. Kung ginagamit mo ang iOS app, pindutin ang memorya upang ipakita ang mga pagpipilian.
  3. Pindutin ang pangalan ng taga-ambag, at magpadala ng email o mensaheng FamilySearch kasama ang iyong kahilingan.
  4. Kung hindi tumugon o tumalima ang taga-ambag sa iyong kahilingan, gamitin ang website ng FamilySearch para mag-ulat ng abuso. Ang katangian ng Iulat ang Abuso ay nagbibigay-daan sa aming mga tagapamahala na makilala ang eksaktong memorya na nangangailangan ng pansin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Sino ang maaaring tumingin sa mga bagay na inilagay sa mga memorya para sa mga taong buhay?
Paano ko idadagdag o tatanggalin ang mga markang paksa sa Mga Memorya?

Nakatulong ba ito?