Ang aking ninuno sa Family Tree ay dalawang beses na nakakonekta sa parehong magulang

Alamin ang tungkol sa mga duplicate na relasyon sa Family Tree sa pagitan ng isang anak at isang magulang. Para maitama ang mali, i-delete ang duplicate na relasyon.

Kadalasan, ang wastong relasyon ay ang relasyong kinabibilangan ng mga pangalan ng dalawang magulang. Ang duplicate na relasyon ay kadalasang mayroon lamang pangalan para sa isang magulang. Ang isa pang magulang ay minarkahang “hindi kilala.” I-delete ang relasyon.

Bago ka magsimula

Kapag gumagawa sa relasyon ng anak at magulang, makakatulong kung isusulat ang mga pangalan, ID number, at kaugnayan ng mga ninunong ito. Tandaan na magagamit mo ang listahan ng mga bagong pagbabago upang ibalik ang mga ito kung ikaw ay magkamali.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa menu sa itaas, i-klik ang Family Tree, at pagkatapos ay i-klik ang Tree.
  2. Hanapin ang anak nay may duplicate na kaugnayan.
  3. I-klik ang pangalan ng tao. Sa mga detalyeng lilitaw, i-klik muli ang pangalan ng tao.
  4. I-klik ang tab na Mga Detalye.
  5. Mag-scroll papunta sa bahaging Mga Kapamilya. Hanapin ang anak sa ilalim ng magulang na mayroong di kilalang asawa. 
  6. I-klik ang Edit icon .
  7. Sa tabi ng pangalan ng anak, i-klik angTanggalin o Palitan.
  8. Upang maipakita na nirebyu mo ang mga relasyon, mga source, at mga rekord para sa tao, i-klik ang check box.
  9. I-klik angTanggalin ang mga Magulang.
  10. Ipaliwanag kung bakit, at saka i-klik angTanggalin.
  11. I-refresh ang page. Hindi mo na makikita ang anak at ang nag-iisang magulang.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, Magpunta sa pahina ng Tao ng bata na mayroong duplicate na relasyon.
  2. I-tap ang tab na Mga Magulang.
  3. Hanapin ang pangalan ng anak, at i-tap angedit icon.
  4. I-tap ang Maling Mga Magulang.
  5. Ipaliwanag kung bakit, at saka i-tap ang Tanggalin. (Para sa Apple iOS, I-tap ang Magpatuloyupang mailagay ang iyong dahilan sa pagbabago, saka i-tap angTanggalin.)
  6. Kapag nakumpleto na ang proseso, hindi mo na makikita ang anak na may nag-iisang magulang.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Habang naka-sign in sa Family Tree Lite, Magpunta sa pahina ng Tao ng anak na may maling mga magulang.
  2. Sa ilalim ng pangalan ng tao, i-klik ang Tingnan ang Pamilya.
  3. Sa ilalim ng Mga Magulang at Kapatid, hanapin ang pangalan ng anak, at i-klik ang Edit icon.
  4. Upang matanggal ang kapwa magulang, I-klik ang Tanggalin o Palitan sa tabi ng anak.
  5. Ipaliwanag kung bakit, at saka i-klik angTanggalin.
  6. I-refresh ang page. Hindi mo na makikita ang anak at ang nag-iisang magulang.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ko itatama ang mga relasyon ng magulang at anak sa Family Tree?
Paano ko makikita ang mga pagbabago na ginawa sa isang tao sa Family Tree?
Ang isang anak ay makikita nang mahigit sa isang beses sa isang pamilya sa Family Tree

Nakatulong ba ito?