Paano ko ipapakita na ang mga doble ay hindi isang tugma sa Family Tree?

Kapag isang tao ay nagsasabing ang 2 tala ay hindi tugma, hindi na iminumungkahi ng Family Tree na ang mga ito ay posibleng mga doble.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch, at pagkatapos ay pindutin ang FamilyTree.
  2. Pindutin ang Puno.
  3. Pindutin ang pangalan ng tao
  4. Sa mga detalyeng lumilitaw, pindutin muli ang kani-kanilang pangalan.
  5. Sa bahaging Tulong sa Pagsasal8iksik sa kanang tabi, pindutin ang Ipakita Lahat.
  6. Pindutin ang Posibleng Doble.
    • Kung tiyak mo na ang tala ay tungkol sa isang tao, pindutin ang Hindi isang Tugma.
    • Upang ihambing ang posibleng mga doble nang mas detalyado, pindutin ang Repasuhin ang Pagsasama, at ihambing ang mga tala. Kung magpapasya ka kung ganun na ang mga tala ay hindi tugma, pindutin ang Hindi Tugma.
  7. Maglagay ng isang dahilan kung bakit hindi tugma ang mga tala.
  8. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, pindutin ang Puno.
  2. Mag-navigate sa taong may posibleng duplikado.
  3. Sa kanang-tuktok na bahagi ng tabing, pindutin ang 3 tuldok.
  4. Pindutin ang Mga Maaaring Doble.
  5. Sa ilalim ng partikular na doble, pindutin ang Hindi Tugma.
  6. Ipaliwanag kung bakit, at pindutin ang Hindi Tugma. Kung hindi mo tiyak, pindutin ang Kanselahin o ang pabalik na pana
  7. Lumilitaw na ngayon ang doble sa markang Hindi Tugma.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Pinapayagan ka lang ng Family Tree Lite na tingnan ang listahan ng Mga Posibleng Doble.  

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko aalisin ang isang posibleng doble sa listahang Hindi Tugma sa FamilyTree?
Paano ako magpapasya kung ang 2 tala sa FamilyTree ay tungkol sa parehong tao?
Paano ko pagsasamahin ang posibleng mga doble sa FamilyTree?

Nakatulong ba ito?