Ano ang Salansan ng Pagkukunan ng Angkan?

Ang Pedigree Resource File (PRF) ay koleksyon ng mga ibinigay-ng-mga tagagamit na mga angkan na inilagay nila sa FamilySearch bilang mga salansan ng GEDCOM. Maaari mong saliksikin ang kapuwa kabatiran at mag-ambag dito. Hindi mo maaaring ayusin ang mga salansan na PRF. Maaari mong tanggalin ang salansan na ibinigay mo.

Pagsasaliksik sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan

Lahat ng mga tagagamit ng FamilySearch.org ay maaaring magsaliksik at makita ang kabatiran sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan.  

Katulad sa Family Tree, ang Salansan ng Pagkukunan ng Angkan ay naglalaman ng kabatiran ng kasaysayan ng mag-anak. Ang mga tao ay nakaugnay sa mga mag-anak at mga hanay. Maaari kang humanap ng mga pangalan, kaugnayan ng mag-anak, at kabatiran tungkol sa mga pangyayari sa buhay. Ang salansan ay saklaw ang mga tala, paalaala, at mga pagkukunan mula sa mga ibinigay na orihinal. Ang kabatiran tungkol sa mga taong buhay ay wala.

Alalahanin na ang FamilySearch ay hindi ginagawang wasto ang anumang mga datos sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan. Ang katumpakan ay iba-iba mula sa puno sa isang puno, at ang mga tagagamit ay dapat patunayan ang kabatiran bago gamitin ito. 

Paglagay ng salansan na GEDCOM sa Salansan na Pagkukunan ng Angkan

Kung pananatilihin mo ang iyong kasaysayan ng mag-anak sa hiwalay na database, maaari kang magbigay ng kopya ng iyong mga datos sa Salansan ng Pagkukunan ng Angkan. Ito ay mayroong maraming pakinabang sa iyo.

  • Ang salansan mo ay inaalagaan ng walang bayad.
  • Ang kabatiran sa iyong salansan ay makukuha para sa ibang tagagamit ng FamilySearch upang saliksikin at tingnan.
  • Mananatili ang pamamahala mo sa iyong salansan. Samantalang makikita ng ibang mga tagagamit ang kabatiran, hindi nila mapapalitan ito. Maaari mo ring tanggalin ang iyong salansan sa anumang oras o palitan ang lumang polder ng bago kung kailangan. Maaari kang maglagay ng higit sa isa.
  • Maaari mong paghambing ang kabatiran sa iyong salansan sa Family Tree. Maaari mo kung ganun na kopyahin ang kabatiran sa iyong salansan ng GEDCOM sa Family Tree.

Mas maagang mga sipi ng Salansan ng Pagkukunan ng Angkan

Ang Salansan ng Pagkukunan ng Angkan ay makukuha sa maraming mga salin. Sa simula, inilathala ito sa compact disc o DVD. Hindi na magagamit ang mga ito. Ang lahat ng mga datos ng Salansan ng Pagkukunan ng Angkan ay nasa bahagi ng Mga Angkan ng FamilySearch.org.

Kung nagbigay ka sa nakaraang mga salin, tandaan ang mga sumusunod:

  • Ang mga salansan na ibinigay mo sa unang salin ay maaaring hindi ukol sa kasalukuyan mong kuwenta na FamilySearch. Samantalang maaari mong mahanap at matingnan ang salansan, wala ito sa iyong listahan upang matanggal, mapalitan, o ikumpara sa Family Tree.
  • Ang pagbigay ng mga ID sa nakaraang mga salin ay maaaring hindi tugma sa kasalukuyang pagbigay ng mga ID.

Para sa marami pang kabatiran tungkol sa PRFs, tingnan ang Salansan ng Pagkukunan sa Angkan sa Wiki ng Pagsasaliksik.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ilalagay ang aking salansan na GEDCOM?
Paano ko kopyahin ang kabatiran sa aking salansan na GEDCOM sa Family Tree?
Paano ko hahanapin ang Salansan ng Pagkukunan ng Angkan at ibang mga angkan?

Nakatulong ba ito?