Sa Family Tree, ano ang clan path?

Sa Family Tree, ipinapakita ng clan path kung paano nauugnay ang taong pinagtutuunan sa kanyang unang ninuno. Ang taong pinagtutuunan ay nasa ibaba ng pedigree. Ang unang ninuno ay nasa itaas. Sinusundan ng linya ang direktang lahing patrilineal sa pagitan ng mga ito.

Pataas mula sa taong pinagtutuunan, sinusunod ng clan path ang ama, lolo, at iba pang direktang mga ninunong lalaki. Simula sa unang ninuno, bumababa ito sa kanyang mga anak na lalaki, apo, at mga inapong lalaki.

May ilang mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa clan path:

  • Ang clan path ay ginagamit lamang sa view na Unang Ninuno. Hindi nito naaapektuhan ang pagbasa sa paraang landscape, portrait, fan chart, o descendancy [o salinlahi].
  • Ang taong pinagtutuunan ay maaaring magkaroon ng isang unang ninuno.
  • Ang clan path ay patrilineal, nangangahulugan ito na sinusunod nito ang salinlahing lalaki. Maaaring kabilang dito ang isang babae kung kapareho niya ang apelyido ng unang ninuno.
  • Ang clan path kung minsan ay kinabibilangan ng isang ampong anak na lalaki sa halip na isang tunay na anak na lalaki. Sa gayong mga sitwasyon, maaari mong iwasto ang clan path upang ipakita ang pag-aampon.

Ang view na Unang Ninuno ay hindi nilayong gamitin bilang pangkalahatang descendancy chart o tsart ng salinlahi. Idinisenyo ito para sa mga kultura na kinakalkula ang mga ugnayan ng tribo, pamilya, at iba pang mga ugnayan ng pamilya gamit ang ganitong uri ng tuwiran at paternal na ugnayan.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ko iwawasto ang clan path sa Family Tree?
Ipinapakita ng Family Tree ang mensaheng, “Hindi nag-uugnay ang mga henerasyong ito.”

Nakatulong ba ito?