Ano ang pagkakaiba ng isang tala at isang larawan?

Share

Unawain ang pagkakaiba ng "tala" at "larawan" at iwasan ang kalituhan kapag magsaliksik ka ng iyong mag-anak o mga ninuno.

Ano ang isang tala?

Ang isang tala ay ang pisikal na kasulatang nagpapatunay sa isang kaganapan sa buhay. Ang mga halimbawa ay sakop ang mga talaan ng kapanganakan, kamatayan, binyag, o pag-aasawa.

Ang tala ay maaaring iisang sertipikong may pangalan ng iyong ninuno. Ang tala ay maaari ring maglaman ng mga pangalan ng mga saksi o mga kalahok sa kaganapan.

Ang isang tala ay maaaring isang guhit lang o dalawa, o isang pangkat-pangkat ng mag-anak sa isang ledger o rehistro. Ang tala, sa kasong ito, ay hindi ang buong ledger o rehistro. Ang tala ay ang tiyak na lagay para sa isang kaganapan sa buhay.

Ano ang isang kasulatang pangkasaysayan?

Ang isang kasulatang pangkasaysayan ay isang pisikal na bagay na ginawa ng tao. Ang mga kasulatan ay maaaring isang pahina, maraming mga pahina, o isang aklat.

Ano ang isang larawang pangkasaysayan?

Ang isang larawang pangkasaysayan ay isang sinuri ng maigi na larawan ng isang kasulatan.

Ang isang sertipiko ng kasal ay madalas na isang pahina at naglalaman ng kabatiran tungkol sa isang kasal. Sa kasong iyan, ang larawan ng sertipiko ay ang larawan ng isang mag-isang tala.

Kung ang kasulatang pangkasaysayan ay isang ledger na may maramihang mga lagay, kung ganun, ang larawan ay naglalaman ng kabatiran para sa maramihang mga tala.

Ano ang isang pangkat na larawan?

Ang ilang mga kasulatang pangkasaysayan ay naglalaman ng maraming mga larawan ng mga kasulatan. Ang koleksyon ng mga larawan ay bumubuo ng isang pangkat ng larawan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ayusin ang mga kamalian sa mga pagsasalin ng talang pangkasaysayan o mga indeks
Paano ko gagawing wasto ang mga kaugnayan sa pagsasalin ng isang talang pangkasaysayan?
Ilipat ang isang pangalan sa tamang kaugnayan sa mga talang pangkasaysayan
Paano ko aayusin ang isang ugnay na apelyido sa mga talang pangkasaysayan?
Itama o magdagdag ng kaugnayan kapag ang isang pangalan ay nasa ibang larawan sa talang pangkasaysayan
Ano ang pangunahing pangalan o tao sa isang talang pangkasaysayan?

Nakatulong ba ito?