Paano ko gagawing wasto ang Ibang Kabatiran sa Family Tree?

Minsan-minsan, ang bahagi na Ibang Kabatiran sa Family Tree ay naglalaman ng hindi tumpak, doble, o hindi nakatutulong na kabatiran. Maaari mong iwasto o tanggalin ang kabatirang ito.

Iwasto ang kabatiran kung maaari. Tanggalin ang kabatirang mali, doble, o hindi makakatulong. Ang ilang mga halimbawa ng kabatirang tatanggalin ay nasa ibaba:

  • Maling kabatirang hindi mo maaaring iwasto.
  • Dobleng mga kopya ng kahaliling pangalan, kaganapan, o katotohanan.
  • Mga maliit na pagkakaiba-iba ng baybay ng isang pangalan.
  • Ang pangyayari na Patay-na-Ipinanganak kung ang isang bata ay ipinanganak na buhay at namatay sa maikling panahon pagkatapos ng kapanganakan.

Mga Hakbang (website)

  1. Maglayag sa pahina ng Tao ng tao.
  2. Pindutin ang markang Mga Detalye.
  3. Mag-balumbon sa bahaging Ibang Kabatiran.
  4. Sa kanan ng kabatirang nais mong iwasto o tanggalin, pindutin ang markang Ayusin. Narito ang ilang mga lugar kung saan maaari kang gumawa ng mga pagbabago:
    • Kahaliling Pangalan
    • Tirahan
    • Serbisyong Militar
    • Pandarayuhan
    • Hanap-buhay
  5. Maaari mong iwasto ang kabatiran:
    1. Ilagay ang wastong kabatiran.
    2. Ilagay ang dahilan kung paano mo nalaman na wasto ang kabatirang inilagay mo.
    3. Pindutin ang Ipunin.
    4. Kung maaari, ikabit ang mga pagkukunan na nagbibigay ng katibayan sa pagbabagong ginawa mo.
  6. Kung nais mong tanggalin ang kabatiran, sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin ang Tanggalin.
    2. Maglagay ng dahilan para sa pagtatanggal ng kabatiran.
    3. Pindutin ang Tanggalin [uri ng pangyayari].

Minsan-minsan, kapag sinubukan mong tanggalin ang pangyayaring Ipinanganak-na- Patay, ang pagpipilian na Tanggalin ay hindi magagamit. Upang maayos ang problemang ito, una, ayusin ang pangyayaring Ipinanganak-na-Patay. Pagkatapos, ulitin ang proseso. Ang pagpipilian na Tanggalin ay nagpapakita, at maaari mong tanggalin ito.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Maglayag sa pahina ng Tao ng tao.
  2. Pindutin ang Markang mga detalye.
  3. Sa mga kagamitang Apple iOS, hanapin ang bahagi na Ibang Kabatiran. Sa isang Android na kagamitan, hanapin ang Ibang bahagi.
  4. Upang iwasto ang kabatiran, gamitin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin ang kaganapan na nais mong iwasto.
    2. Pindutin ang Ayusin.
    3. Ilagay ang wastong kabatiran.
    4. Pindutin ang Magpatuloy
    5. Ilagay ang dahilan kung paano mo nalaman na ang kabatirang inilagay mo lang ay wasto.
    6. Pindutin ang Ipunin.
    7. Kung maaari, ikabit ang mga pagkukunan na nagbibigay ng katibayan para sa pagbabagong ginawa mo.
  5. Upang tanggalin ang kabatiran, sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin ang pangyayari.
    2. Sa isang kagamitan na Apple iOS, pindutin ang Tanggalin ang [Uri ng Kaganapan]. Sa isang Android na kagamitan, pindutin ang Tanggalin
    3. Ilagay ang dahilan na tinatanggal mo ang kabatiran.
    4. Pindutin ang Tanggalin.

Minsan-minsan, kapag sinubukan mong tanggalin ang pangyayaring Ipinanganak-na- Patay, ang pagpipilian na Tanggalin ay hindi magagamit. Upang maayos ang problemang ito, una, ayusin ang pangyayaring Ipinanganak-na-Patay. Pagkatapos, ulitin ang proseso. Ang pagpipilian na Tanggalin ay nagpapakita, at maaari mong tanggalin ito.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa Family Tree Lite, maaari mong ayusin lamang ang mahalagang kabatiran. Ang bahagi na Ibang Kabatiran ay wala.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko babaguhin ang pinakamahalagang kabatiran sa Family Tree?
Sa Family Tree, paano ko bubuksan ang aking kahon ng pagkukunan at ikabit ang isang pagkukunan sa tao?
Paano ako magdaragdag ng mga mahalaga at ibang kabatiran sa isang tao sa FamilyTree?

Nakatulong ba ito?