Paano ko babawiin ang aking username at password sa paggamit ng aking Church record number?

Ang mga kasapi ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay maaaring bawiin ang username sa paggamit ng Church record number. Kung hindi, tingnan ang mga lathalain sa dulo ng lathalaing ito para sa tulong.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng FamilySearch website, pindutin angLumagda.
  2. Gawin ang isa sa sumusunod, depende kung nakalimutan mo ang username mo lang, ang iyong password, o kapuwa.
    • Username lang: Pindutin angusernamesa ilalim ng Password.
    • Password lang: Pindutin angpasswordsa ilalim ng Password.
    • Kapuwa: Pindutin angusernamesa ilalim ng Password. Pagkatapos, sa susunod na screen, pindutin ang checkbox sa tabi ng I have also forgotten mg password.
  3. Piliin ang Church Record Number, ilagay ang iyong kapanganakan at Church record number, at pindutin ang OK.
    1. Kung tatanggap ka ng isang mensahe na nagsasabing ang iyong Church record number o araw ng kapanganakan ay mali, maingat na muling ilagay ang kabatiran. Tandaan na isama ang anumang nangungunang mga sero bilang bahagi ng 11 digit na Church record number. Ang mga gitling ay hindi kailangan.
    2. Kung patuloy kang tumatanggap ng maling mensahe, mangyaring suriin at patunayan ang iyong kabatiran sa inyong lokal na ward klerk.
    3. Maaari kang gumamit ng kahaliling paraan sa pagbawi gaya sa iyong email o numero ng mobile phone.
  4. Kung ano ang susunod na mangyayari ay depende sa kung ano ang sinabi mong nakalimutan mo:
    • Username lang: Ang sign in page ay muling lilitaw na ang username mo ay kusang nakalagay.Maaari mo ngayong ilagay ang iyong password at lumagda. O kung nakalimutan mo rin ang iyong password, pindutin angpasswordupang muling ilagak ang iyong password.
    • Password lang: Ang pamilian upang muling ilagak ang iyong password ay lilitaw.
    • Kapuwa: Ang pamilian upang muling ilagak ang iyong password ay lilitaw.Ang username mo ay lilitaw sa tabing.
  5. Kung kailangan mong muling ilagak ang iyong password ay lumilitaw:
    1. Maglagay ng bagong password.
    2. Patunayan ang bagong password.
    3. Pindutin angReset.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Simulan ang kahit alinman sa Family Tree o Memories mobile app.
  2. Tapikin ang Lumagda.
  3. Kung nakalimutan mo ang iyong username o password, tapikin angTulong.
  4. Gawin ang isa sa sumusunod, depende kung nakalimutan mo ang username mo lang, ang iyong password, o kapuwa.
    • Username lang: Tapikin angNakalimutan ang Username?
    • Password lang: Tapikin angNakalimutan ang Password?
    • Kapuwa: Tapikin ang Nakalimutan ang Username?Pagkatapos, sa susunod na screen, pindutin ang checkbox sa tabi ng I have also forgotten my password.
  5. Piliin ang Church Record Number, ilagay ang iyong kapanganakan at Church record number, at tapikin ang OK.
  6. Kung ano ang susunod na mangyayari ay depende sa kung ano ang sinabi mong nakalimutan mo:
    • Username lang: Ang sign in page ay muling lilitaw na ang username mo ay kusang nakalagay.Maaari mo ngayong ilagay ang iyong password at lumagda. O kung nakalimutan mo rin ang iyong password, tapikin ang password upang muling ilagak ang iyong password.
    • Password lang: Ang pamilian upang muling ilagak ang iyong password ay lilitaw.
    • Kapuwa: Ang pamilian upang muling ilagak ang iyong password ay lilitaw.Ang username mo ay lilitaw sa tabing.
  7. Kung kailangan mong muling ilagak ang iyong password ay lumilitaw:
    1. Maglagay ng bagong password.
    2. Patunayan ang bagong password.
    3. Tapikin ang Reset.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Pindutin ang username o password sa ilalim ng Sign In.
  2. Ang account recovery page ngayon ay magbubukas sa web browser, sang-ayon sa kung ano ang pinili mo.
    • Hindi ko alam ang aking username.Piliin ang church Record Number bilang pamilian mo sa pagbabawi. Pindutin ang Ituloy. Ilagay ang iyong Church record number at kapanganakan sa mga linang, at tapikin ang Magpatuloy.Ang sign in page ay lilitaw. Ang iyong username ay inilagay na para sa iyo. Kung alam mo ang iyong password, ilagay ito, at mag-sign in. Kung hindi mo alam ang iyong password, pindutin ang Hindi ko alam ang aking password.
    • Hindi ko alam ang aking password. Ilagay ang iyong username, at saka i-type mo ang mga titik mula sa captcha text. Pindutin ang Ituloy. Ibigay ang iyong mga kasagutan sa alinmang mga katanungang panseguridad na lilitaw. Pumili sa mga pamilian sa pagbawi, at pindutin ang Magpatuloy.

Magkakaugnay na mga lathalain

Nakalimutan ko ang aking FamilySearch password o username

Nakatulong ba ito?