Ang pahina ng Pamaypay na Tsart ay may ilang mga pakinabang:
- Makikita mo hanggang sa 7 salinlahi ang lahat ng iyong mga ninuno nang minsanan.
- Matutukoy mo kung saan nagtatapos ang mga hanay ng mag-anak—sa madaling salita, kung saan ang may kulang na kabatiran.
- Makikita mo kung saang bansa isinilang ang iba ibang mga ninuno, at aling mga ninuno ang mayroong mga larawan, kuwento, at mga pinagmulang nakakabit sa mga pahina ng tao.
- Maaari mong tingnan ng sabay ang pamaypay na tsart sa tabing at ilagay ito sa isang PDF na salansan para sa pag-limbag.
Mga Hakbang (website)
- Sa tuktok ng menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
- Sa kanang itaas na bahagi ng view ng pedigree, i-click ang pangalan ng kasalukuyang view (Landscape, halimbawa), at pagkatapos ay i-click ang Fan Tsart.
- I-click ang icon ng Mga Setting
upang gawin ang sumusunod:
- Piliin ang bilang ng mga salinlahi na ipapakita.
- Piliin kung nais mong ipakita ng tsart ang Mga Linya ng Pamilya, Lugar ng Kapanganakan, Mga Pinagmumulan, mga Kuwento, mgaLarawan, o Mga Tulong sa Pananaliksik.
- Baliktarin ang mga kulay.
- Mag-limbag ng pamaypay na tsart hanggang 7 salinlahi (4 ang pinakamababa) Kasama sa naka-print na tsart ang impormasyong nakikita mo sa screen.
- Kung ang pangunahing tao ay may higit sa 5 anak, pindutin ang> upang makita ang iba pa.
- Upang ilipat ang ibang tao sa gitnang posisyon ng tsart, i-click ang pangalan ng tao, at pagkatapos ay i-click ang icon ng Fan tsart.
Mga hakbang para sa Family Tree mobile app
- Sa kanang ibaba ng iyong pedigree, i-tap
- Sa kahon ng Tanawing Angkan, pindutin
.
- Sa kanang ibaba, i-click ang icon na asul na mga pagpipilian
- Pindutin upang piliin kung paano ipakita ang tsart: Default na pahina, Bansang Sinilangan, Mga Pinagmulan, Mga Kuwento, Mga Larawan, Mga Tulong sa Pananaliksik.
- (Pagpipilian) Kung ang pangunahing tao ay mayroong higit na 5 anak, pindutin ang > upang makita ang iba pa.
- (Pagpipilian) Maaari mong ilipat ang ibang tao sa pangunahing kaayusan. I-tap ng matagal ang pangalan, at pagkatapos ay i-tap ang Tingnan ang Puno o Tingnan ang Puno na Ito.
Android Lamang
- Sa kanang ibaba, i-tap ang icon na asul na mga pagpipilian.
- Sa ibaba ng tsart, i-tap ang [numero] Mga Henerasyon.
- I-tap para piliin ang bilang ng mga henerasyon na nais mong ipakita.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ano-ano ang mga iba- ibang tanawing angkan sa FamilyTree?
Paano ko pag-pa-palitin ang mga kaayusan ng magulang o asawa upang mabago ang pagpapakita ng mga hanay ng mag-anak sa FamilyTree?