Saan ako maaaring humanap ng isang kaakibat na aklatan?

Daan-daang mga kaakibat na aklatan ng FamilySearch ang tumutulong sa pagpapalawak ng mga paglilingkod ng FamilySearch sa milyon-milyong mga tagatangkilik sa sanlibutan. Ang mga kaakibat na aklatan ay may daan sa mga koleksyon ng angkan ng digital na FamilySearch na magagamit o makukuha lamang sa pamamagitan ng isang sentro ng familySearch.

Ang mga lokal na kaakibat na aklatan ay maaaring isang publiko o mas mataas na karunungan na aklatan, archive, museo, sentro ng kultura, o angkan o makasaysayang lipunan.

Paano hahanap ng kaakibat na mga aklatan

Mga Hakbang (website)

  1. Pumunta sa Kagamitang Mapa ng Taga-hanap ng Sentro ng FamilySearch.
  2. Sa kahon ng Pagsasaliksik, ilagay ang pook na nais mong mahanap. Bilang kahalili, pindutin ang markang taga-hanap sa kanan ng kahon ng pagsasaliksik at hanapin ang iyong kasalukuyang pook.
    Ipinapakita ng mapa ang pinakamalapit na 50 Sentro ng FamilySearch at Kaakibat na mga Aklatan sa loob ng 50 milya na pa-ikot-na-sukat ng iyong pook sa pagsasaliksik.
  3. Lumilitaw ang mga aklatang kaakibat bilang mga markang pulang aklat.

    Markang Kaakibat na Aklatan

  4. Pindutin ang isang marka sa mapa, o mag-klik sa isang Kaakibat na aklatan mula sa listahan.
  5. Upang magamit ang website ng aklatan, pindutin ang asul na Karagdagang Kabatiran na pananda.

Mga hakbang (mobile app — Android lamang)

Para sa Family Tree app:

  1. Buksan ang Family Tree app sa isang kagamitan na Android.
  2. Sa tuktok, pindutin ang markang 3 guhit.
  3. Pindutin ang Tulong.
  4. Pindutin ang Humanap ng isang Sentro ng FamilySearch.
  5. Ang mapa ng kasalukuyan mong kinaroroonan ay lumilitaw. Ang luntian na mga marka ay maaaring kumatawan sa alinman sa isang Sentro ng FamilySearch o isang kaakibat na aklatan. Upang makita ang mga detalye, pindutin ang isang pin ng mapa. Lumilitaw ang pangalan ng sentro o aklatan kasama ang adres at bilang ng telepono.

Magkakaugnay na mga lathalain

Saan ako hahanap ng isang sentro ng FamilySearch?

Nakatulong ba ito?