Paano ko malalaman kung sino pa ang sumusubaybay sa isang tao sa Family Tree?

Sa Family Tree, makakakita ka ng isang listahan ng iba pang mga tagagamit na sumusubaybay sa isang tao, at nagpapadala sa mga tagagamit ng mensaheng FamilySearch.

Ang ibang mga sumusubaybay ay madalas na mga kamaganak o ibang mananaliksik tungkol sa tao.

Mga Hakbang (website)

Mula sa Family Tree

  1. Mula sa pangunahing pahina ng FamilySearch, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Sumusubaybay.
  2. Pindutin ang 3 nakatayong tuldok sa kanang ng pangalan ng tao.
  3. Pagkatapos, pindutin ang pagpipilian na nagpapakilala kung gaano karami ang mga tagagamit ang sumusubaybay sa taong iyan.
  4. Isang kahon na pop-up ang lilitaw kung sino ang sumusubaybay sa taong iyan.
  5. Kung magpadala ng isang mensaheng FamilySearch, pindutin ang pangalan ng tagagamit.

Paalala: Kung ang 3 nakatayong tuldok ay hindi makita sa tabi ng pangalan ng tao, pindutin ang markang Mga Pagpipilian sa kanang sulok sa itaas ng pahina. Pagkatapos, sa ilalim ng Tingnan Batay sa, pindutin ang Tao. Ang 3 nakatayong tuldok ay dapat ng makita ngayon sa tabi ng bawat isang tao sa listahan ng Sumusubaybay.

Mga Hakbang (mobile app)

Ang Family Tree mobile app ay hindi ipinapakita ang iyong listahan ng Sumusubaybay. Sa app, ang listahan ng kamakailan na mga pagbabago ay maaaring kapalit ng listahan ng Sumusubaybay kung hindi mo magagamit ang website.

  1. Sa Family Tree mobile app, pindutin ang sinumang tao upang mabuksan ang pahina ng kanilang balangkas
  2. Pindutin ang 3 tuldok na pagpipilian sa itaas ng kanang sulok.
  3. PIndutin ang Marami Pa.
  4. Pindutin ang Kamakailan na Mga Pagbabago.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang FamilySearch Lite ay hindi maaaring magpakita ng isang listahan ng mga taong sinusubaybayan mo. Mangyaring gamitin ang sa halip ang website.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko susundan o hindi susundan ang isang tao sa Family Tree?
Paano ko makikita ang lahat ng mga tao sa Family Tree na sinusundan ko?

Nakatulong ba ito?