Paano ko idaragdag ang mga alaala sa isang album?

Maaayos mo ang mga larawan, mga kuwento, mga kasulatan, at mga audio files ng iyong ninuno sa mga album sa Memories.

Mga Hakbang (website)

Pagdagdag ng mga bagay mula sa Galeriya

  1. Lumagda sa FamilySearch.org
  2. Pindutin ang Memories, at saka mula sa drop-down menu, pindutin ang Gallery.
  3. Ali-aligirin ang bagay na gusto mong maidagdag sa isang album, at saka pindutin ang check mark na lilitaw sa loob ng bagay.
  4. Pansinin ang bagong may kulay na rehas malapit sa tuktok ng pahina.Sa kanang tabi ng rehas, makikita mo kung ilang mga bagay ang napili.
  5. Piliin lahat ng mga bagay na gusto mong maidagdag sa isang album.
  6. Sa kaliwa ng may kulay na rehas, sa ibaba ng Gallery, pindutin ang Actions, at sa drop-down menu, pindutin ang Add to Album.
  7. Kasunod sa pangalan ng album na gusto mong maidagdag ang mga bagay, pindutin ang open circle. O upang lumikha ng bagong album, pindutin ang kasunod sa New Album, at ilagay ang pangalan ng bagong album sa kahon.
  8. Pindutin ang Add to Album.

Paggamit ng kaladkad at bagsak upang mailipat ang mga bagay sa isang album

  1. Piliin ang lahat ng mga bagay na gusto mong maidagdag sa isang album.
  2. Pindutin ang isa sa mga piniling bagay, at idiin ang kaliwang buton ng daga habang kinakaladkad ang mga bagay na alaala sa pangalan ng album sa pandang kaliwa ng kolumna.
  3. Pakawalan ang buton ng daga kapag ang pangalan ng album ay nagpalit ng kulay.Ang counter sa kanan ng pangalan ng album ay lalaki batay sa bilang ng mga bagay na idinagdag sa album.

Pagdagdag ng mga bagay sa isang album mula sa viewer

  1. Samantalang nasa Galeriya, pindutin ang alaalang bagay upang mabuksan ang viewer, at maipagpatuloy ang naaangkop na alituntunin sa ibaba.
  2. Pindutin ang listahan sa kanan ng bagay, o pindutin ang Actions sa ibabaw ng bagay, saka ang Add to Album.
  3. Pindutin ang bilog sa kanan ng umiiral na pamagat ng album, o ilagay ang bagong pamagat ng album sa kahon.  
  4. Pindutin ang Add to Album.
  5. Ulitin ang mga hakbang kung gusto mong maidagdag ang bagay sa mahigit sa isang album.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Mula sa Memories mobile app, piliin ang mga alaalang gusto mong maidagdag sa isang album.
    • Android: Tapikin ang 3 tuldok sa kanang tuktok ng tabing, at saka tapikin ang Select Memories.
    • Apple iOS: Tapikin ang Select.
  2. Piliin lahat ng mga bagay na gusto mong maidagdag sa isang album.
  3. Ilipat ang mga alaala sa isang album.
    • Android: Tapikin ang + sa kanang tuktok ng tabing.
    • Apple iOS: Tapikin ang 3 tuldok sa kanang tuktok ng tabing, at saka tapikin ang Move to Album.
  4. Pumili ng umiiral na pamagat ng album, o pindutin ang Create New.
  5. Ulitin ang mga hakbang kung gusto mong maidagdag ang bagay sa mahigit sa isang album.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang katangiang Memories ay hindi itinaguyod ng Family Tree Lite.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano papalitan ang pangalan ng isang album?
Paano ko iya-upload ng mga alaala sa FamilySearch?

Nakatulong ba ito?