Paano ako hihiling ng isang update sa database ng pamantayang mga lugar?

Makakahiling ka na idagdag namin ang isang nawawalang lugar( gaya sa isang bayan, lunsod, o simbahan) sa FamilySearch database ng pamantayang mga pangalan ng lugar.

Mga Hakbang (website)


  1. Maglayag sa FamilySearch Places (https://www.familysearch.org/research/places/).
  2. Sa kaliwang gilid ng tabing, ilagay ang lugar na gusto mong mahanap sa search bar. Idiin ang Maglagay o pindutin ang magnifying glass. (Kailangan mong mapalitan ang wika para sa saliksik, sa kanang gilid ng tabing, sa ibabaw ng mapa, pindutin ang mga pamulaang tab.
  3. Kung ang lugar ay hindi nagpapakita, sa ibabaw ng search bar ng Mga Lugar sa Pananaliksik, pindutin ang Magmungkahi ng Bagong Lugar.
  4. Pagkatapos na magpakita ang kahon, sa mataas na text bar, ilagay ang pangalan ng lugar.
  5. Sa mababang text bar, i-type ang pangalan nbg bansa, at pindutin ang Magpatuloy.
  6. Kung ang lugar ay wala sa FamilySearch database, makapagdaragdag ka ngayon ng kabatiran sa lugar na gusto mong maidagdag.
    1. Sa tuktok ng dialog bar, pindutin ang Place Type. I-type kung anong klaseng lugar ang iyong mungkahi.
    2. Sa text field ng Karagdagang mga saloobin o mga detalye, idagdag ang kabatiran tungkol sa lugar upang madaling mahanap at mapatunayan.
    3. Pamilian: Magbigay ng mga pamulaan sa mapa na nagpapatotoo na ang iminungkahing lugar ay umiiral. Ito ay pinakamadaling gawin sa Google Maps, subali't ang ibang mga pamilian ay makatutulong sa pagpapatunay.
    4. Idagdag ang iyong email address sa ibaba ng text.
    5. Tapikin angIpasa.
  7. Kung ang lugar ay umiiral na sa FamilySearch database, ang mga pamiliang lokasiyon ay lilitaw. Kung ang lugar na gusto mong maidagdag ay lilitaw, pindutin ang Pumili. Hindi mo kailangang magmungkahi ng isang bagong lokasiyon.

Tandaan: Kung napansin mo ang anumang pagpapabuting kailangan naming gawin, puwede kang magbigay ng puna. Magsaliksik para sa isang lugar at, sa kanang gilid ng tabing, pindutin ang Pagbutihin ang Lugar na ito (kailangan mong lumagda upang makita ang buton na ito).

Mga Hakbang (mobile app)


Ang kagamitang ito ay hindi magagamit sa mobile app. Mangyaring gumamit ng isang browser upang maidagdag at maiwasto ang pamantayang mga lugar.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)


Ang kagamitang ito ay wala sa Family Tree Lite. Mangyaring gumamit ng isang browser upang maidagdag at maiwasto ang pamantayang mga lugar.

Magkakaugnay na mga lathalain


Paano ko ilalagay ang mga petsa at mga lugar sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?