Ano ang International Genealogical Index (IGI)?

Ang International Genealogical Index (IGI) ay isang pagpapakilala sa FamilySearch indeksing.Ang indeks ay naglalaman ng dalawang uri ng kabatiran:

Community Indexed IGI. Kabatirang isinalin mula sa ibat ibang kasulatang makasaysayang nagmula sa maraming mga bansa at kapisanan. Ang koleksyon ay hangad na saklawin ang takdang panahon ng unang bahagi ng 1500s hanggang 1885. Noong Nobyembre 2014, ang FamilySearch ay nagdagdag ng na-indeks na mga talang IGI ng komunidad bilang mga pagkukunan sa Family Tree. Kung pindutin mo ang isang pamagat ng pinagmulan, makikita mo ang mensaheng ito, “Ang hinango na tala ng IGI ay ginamit upang likhain ang taong ito.” Hanapin ang indeks sa https://www.familysearch.org/search/collection/igi

Ibinahagi na IGI ng Komunidad. Kabatirang nagmula sa mga tala ng mag-anak na ibinigay sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal-sa mga Huling-Araw ng kaniyang mga kasapi.Ang mga kasapi ay nagbigay ng pinakamahusay na kabatirang makukuha sa panahong iyon. Gayunman, ang mga datos ay hindi ginawang kasulatan. Bago ka umasa rito, maingat na muling suriin ang mga datos at hanapin ang mga pagkukunan upang mapatunayan ito. Saliksikin ang ambag na IGI ng Komunidad sa FamilySearch Genealogies.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko hahanapin ang na-indeks na International Genealogical Index (IGI)?
Ano ang ibig sabihin ng "Itong hinango na talang IGI ay ginamit upang likhain ang taong ito"?
Paano ko hahanapin ang orihinal na larawan para sa isang tala sa na-indeks na International Genealogical Index (IGI)?
Paano ko hahanapin ang salansan ng pagkukunan ng angkan at ibang mga talaangkanan?

Nakatulong ba ito?