Paano ko idadagdag ang isang ninunong nasa FamilyTree na sa aking angkan?

Maaaring ang iyong ninuno ay umiiral na sa database ng FamilySearch. Narito kung paano idadagdag ang kasalukuyang tala sa bahagi ng iyong Puno.

Mga Hakbang (website)

Tanawin, Larawan, Abanikong Tsart, at Angkan na MgaTanawin

  1. Sa tuktok ng menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang tao sa puno na gusto mong pagandahin.
  3. Pindutin pangalan ng tao Sa mga detalyeng lumalabas, pindutin ulit ang pangalan ng tao. Dadalhin ka sa pahina ng taong iyan.
  4. Pindutin ang Mga Detalye marka.
  5. Mag-balumbon sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak.
  6. Maaari kang magdagdag at mag-ugnay ng isang kasalukuyang tao sa FamilyTree sa paggamit ang 1 sa mga katangiang ito:
    • Pindutin ang Magdagdag ng Magulang.
    • Pindutin ang Magdagdag ng Anak.
    • Pindutin ang Magdagdag ng Asawa.
  7. Ilagay ang kabatiran tungkol sa iyong ninuno, at pindutin ang Susunod. Kung alam mo ang ID ng tao, pindutin ang Ayon Sa Bilang ng ID.
    • Kapag naglagay ka ng kabatiran, dapat mong isama kahit isang apelyido, ipahiwatig ang kasarian ng tao, at suriin ang Patay.
  8. Muling suriin ang mga resulta sa pananaliksik. Kung mahanap mo ang tamang tao, pindutin ang Magdagdag ng Tao.
  9. Kung hindi mo makita ang tao sa mga kinalabasan ng iyong pananaliksik, pindutin ang Lumikha ng Panibago.

Unang Ninunong Tanawin

  1. Habang lumagda sa FamilySearch pindutin ang FamilyTree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang kamaganak ng taong gusto mong idagdag.
  3. Pindutin ang + na marka sa kanang tuktok.
  4. Pindutin ang mga pagpipilian:
    • Magdagdag ng Anak
    • Magdagdag ng Asawa
    • Magdagdag ng Magulang
  5. Ilagay ang kabatiran tungkol sa iyong ninuno, at pindutin ang Susunod. Kung alam mo ang ID ng tao, pindutin ang Ayon Sa Bilang ng ID.
    • Kapag naglagay ka ng kabatiran, dapat mong isama kahit isang apelyido, ipahiwatig ang kasarian ng tao, at suriin ang Patay .
  6. Suriin ang mga resulta. Kung mahanap mo ang tamang tao, pindutin Magdagdag ng Tao.
  7. Kung hindi mo makita ang tao sa mga kinalabasan ng iyong pananaliksik, pindutin ang Maglikha ng Panibago.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree app, tapikin ang pangalan ng taong gusto mong maidagdag ang kamag-anak.
  2. Makapagdaragdag ka at mai-uugnay ang isang taong umiiral sa Family Tree sa paggamit sa isa sa 2 markang ito:
    • Upang maidagdag ang asawa o kaya anak, tapikin angMga Asawa.
    • Upang maidagdag ang isang magulang o kaya isang kapatid, tapikin ang Mga Magulang.
  3. Ilagay ang kabatiran tungkol sa iyong ninuno, at tapikin angMagpatuloy. Kung alam mo ang ID ng tao,tapikin angMagdagdag ayon sa IDo kayaMaghanap ayon sa ID.
  4. Muling suriin ang mga resulta sa pananaliksik. Kung mahanap mo ang taong wasto, pindutin ang Magdagdag ng Tugma.
  5. Kung hindi mo makita ang tao sa mga resulta ng pagsasaliksik, pindutin ang Hindi Tugma.
  6. Muling suriin ang iyong inilagay, at pindutin ang Magdagdag o Idagdag ang Taong Ito.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Habang nakalagda sa Family Tree Lite, pindutin ang pangalan ng taong gusto mong idagdag ang tuwirang ugnayan.
  2. Pindutin ang Tignan ang Mag-anak.
  3. Maaari kang magdagdag at mag-ugnay ng isang kasalukuyang tao sa FamilyTree sa paggamit ang 1 sa 3 katangiang ito:
    • Pindutin ang Magdagdag ng Magulang.
    • Pindutin ang Magdagdag ng Anak.
    • Pindutin ang Magdagdag ng Asawa.
  4. Ilagay ang kabatiran tungkol sa iyong ninuno, at pindutin angSusunod. Kung alam mo ang ID ng tao, pindutin ang Maghanap Ayon sa Bilang ng ID.
  5. Muling suriin ang mga resulta sa pananaliksik. Kung mahanap mo ang tamang tao, pindutin ang Magdagdag ng Tao.
  6. Kung hindi mo makita ang tao sa mga kinalabasan sa pananaliksik, pindutin ang Lumikha ng Tao.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko idadagdag ang buhay na mga kamaganak sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko idadagdag ang isang kasapi ng mag-anak sa angkan sa Family Tree?
Paano ko ibabalik ang isang tinanggal na kaugnayan sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?