Bakit dapat akong lumagda upang makita ang mga talaang pangkasaysayan?

Mula noong Disyembre 13, 2017, dapat kang lumagda sa iyong Kuwenta ng FamilySearch upang hanapin ang mga makasaysayang koleksyon ng talaan ng FamilySearch.

Ang dumaraming mga koleksyon ng FamilySearch ng bilyon-bilyong makasaysayang talaan ng angkan ay ginawang posible sa pamamagitan ng libo-libong kasunduan sa mga taga-ingat ng talaan sa sanlibutan. Sa paglago, ang mga taga-ingat ng mga talaan ay nangangailangan ng magkaibang mga grado sa pangangalaga ng mga datos at ang mga tagatangkilik ay magkaroon ng mga katibayan kapalit sa mga karapatang mailathala ang kani-kanilang koleksyon sa online. Sa kasagutan sa pangangailangang ito, kinakailangan ng FamilySearch na ang kaniyang mga tagagamit ay simpleng lumagda upang saliksikin ang mga makasaysayang talaan o ang FamilyTree. Ang pangangailangang lumagda ang tagagamit ay makatutulong sa FamilySearch na magbigay ng kasiyahan sa anumang mga takdang ipinataw ng mga may-ari ng mga tala habang patuloy na naglilingkod sa lumalagong kagustuhan sa pagsasaliksik ng kaniyang mga tagagamit.

Ang FamilySearch ay nangako sa kaniyang layunin sa pag-iingat at pagbibigay ng lumalagong kaparaanan sa mga talaang pala-angkan ng mundo. Ang pangangailangan na lumagda ang mga tagagamit upang magkaroon ng daan sa kaniyang malawak na hanay ng libreng mga online datos ay pinapayagan ang FamilySearch na magpatuloy sa pangangalaga ng mga talaang ipinagkatiwala sa kanilang pag-iingat.

Mga Kasagutan sa mga Pangkaraniwang mga Katanungan

  • Bakit ginagawa ng FamilySearch ito?Ang pangangailangang lumagda ay upang malaman ng FamilySearch kung sino ang gumagamit ng kanilang mga datos at magdulot sa amin na magbigay ng mas mabuting karanasan para sa lahat ng mga tagagamit. Mas madali rin sa amin na makatulong sa pagkilala at hadlangan ang anuman bawal o hindi karapat-dapat na daan o paggamit.
  • Kung mayroon na akong kuwenta, kailangan ko bang lumikha ng isang panibago?Hindi. Kailangan mo lang na lumagda bago mo makita ang mga talaan at mga larawan.
  • Kailangan ko bang magbayad para sa kuwenta ng FamilySearch? Hindi. Ang paggamit sa mga talaan sa FamilySearch.org ay libre at palaging magiging libre. Ganoon din, ang mga FamilySearch na mga kuwenta ay libre rin.
  • Ibabahagi ba ng FamilySearch ang kabatiran ng aking kuwenta o ibebenta ito sa iba? Hindi ibinabahagi ng FamilySearch ang iyong pansariling kabatiran sa sinumang pangatlong partido nang wala kang kapahintulutan. Hindi ipinagbibili ng FamilySearch ang iyong kabatiran sa sinuman.
  • Kakailanganin bang lumagda ang mga panauhin sa sentro ng FamilySearch? Oo. Ang pangangailangan sa paglagda ay pareho, kahit sa anong lugar na may kompyuter.
  • Maaari ba ninyong gawing libre ang mga malalaking mga kapisanan na masugid na kasangkot sa family history? Hindi. Ang bawat isang taong tagagamit ng website ay kailangang lumikha at lumagda sa paggamit ng pansariling kuwenta. Hindi kami gumagawa ng mga kuwenta para sa mga kapisanan o gumawa ng mga libreng kuwenta para sa kanila.
  • Paano ko magagamit ang aking kontak na kabatiran?Ang iyong kabatiran ay ginagamit sa kaparaanan ng FamilySearch upang maisagawa ang pagtutulungan sa pagitan ng mga tagagamit(mapipigil mo ito). 
    • Ang mga katangian ng FamilyTree at mga memorya ay nagpapakita sa mga pinili mong username at ibang mga kontak na kabatirang pinayagan mo sa paggamit ng mga napiling katangian.  
    • Pinapayagan kang magpadala ng panloob na mga mensahe sa mga ibang tagagamit ng hindi mo ihahayag ang iyong pansariling pagkakakilanlan o email. 
    • Ang kaparaanan ay mananatiling ipapaalam sa iyo sa email at mga newsletter. Matitiyak mo kung gaano karami ang email, kung mayroon man, na matatanggap mo mula sa amin. 
    • Gagamitin namin ang iyong kontak na kabatiran upang makatulong sa iyo na kontakin ang aming pangkat ng suporta.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako gagawa ng libreng FamilySearch na kuwenta?
Ang FamilySearch na Libreng Paglagda ay Nagbibigay ng Magagandang Mga Karanasan sa mga Nag-sususkribe at mga Pakinabang
Nakalimutan ko ang aking FamilySearch password o username
Pagkuha ng Karamihan mula sa Iyong Paghahanap: Pag-unawa sa Pahina ng Mga Talaan ng Paghahanap

Nakatulong ba ito?