Paano ako lilikha ng pagkukunan sa Family Tree?

Bago ka magsimula

  • Kung gumagamit ka ng pagkukunan na wala sa FamilySearch, ilagay mo ang pamagat, pahinang web, pag-sipi at mga tala sa paggamit ng kamay.
  • Samantalang inilalagay mo ang pagkukunan, magbigay ng sapat na kabatiran para sa ibang taong humanap nito
  • Maaari kang magdagdag ng mga pagkukunan sa parehong buhay at patay na mga tao sa Family Tree. Ang mga pagkukunan ay maaaring magmula sa ibang mga website, sa sarili mong talaan, o limbag na mga materyales.

Mga Tulong

  • Kapag lumilikha ka ng isang pagkukunan para sa isang ninuno, magbigay ng sapat na konteksto para sa ibang mga tagagamit upang magtiwala. Magbigay ng kabatiran upang matulungan ang mga iba na mahanap ang tala, tulad ng isang web adres.
  • Ilagay ang pamagat na tumutulong sa iyong makilala ang partikular na tala sa susunod.
  • Ilagay ang anumang ibang kabatiran na sa tingin mo ay may pakinabang sa iba.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Maglayag sa balangkas ng tao sa Family Tree.
  3. Ipakita ang mga pagkukunan o mga pagkukunan ng kaugnayan:
    • Kung ang pagkukunan ay tungkol sa isang tao, pindutin ang markang Mga Pagkukunan.
    • Kung ang pagkukunan ay tungkol sa isang kaugnayang mag-asawa, pindutin ang markang Mga Detalye.Sa bahagi ng Mga Kasapi ng Mag-anak, pindutin ang markang lapis sa tabi ng kabatiran sa kasal ng mag-asawa.
    • Kung ang pagkukunan ay tungkol sa kaugnayang magulang -anak, pindutin ang markang Mga Detalye.Mag-balumbon sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak, at pindutin ang markang lapis kasunod ng pangalan ng bata.
  4. Pindutin ang Magdagdag ng Pagkukunan.
  5. Pindutin ang Magdagdag ng Bagong Pagkukunan o Magdagdag ng Pagkukunan ng Bagong Memorya.
  6. Ilagay ang kabatiran ng pagkukunan, kabilang ang dahilan na ikabit ang isang pagkukunan.
  7. (Pagpipilian) Bilang default, ang maliit na kahon sa tabi ng “Magdagdag ng Pagkukunan sa Aking Kahon ng Pagkukunan” ay may tsek. Kung gusto mong gamitin ang pagkukunan para sa ibang mga tao, iwanan ang markang tsek. Maaari mo nang ilakip ang tala mula sa kahon ng pagkukunan sa ibang mga kasapi ng mag-anak.
  8. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (mobile app)

Sa Family Tree mobile app, hindi ka maaaring magdagdag ng mga pagkukunan sa mga kaugnayang mag-asawa o mga kaugnayang magulang-anak. Maaari kang magdagdag ng pagkukunan sa isang tao.

  1. Maglayag sa tao.
  2. Pindutin ang markang Mga Pagkukunan .
  3. Pindutin ang +.
  4. Pindutin ang isang nasa mga pagpipilian:
    • Para hanapin ang mga database ng talaan para ilagay ang isang pagkukunan, pindutin ang Humanap ng mga Tala.
    • Kung ang pagkukunan ay online, pindutin ang Magdagdag ng Pagkukunan na may Pahinang Web.
    • Kung gusto mong gumamit ng larawang digital, pindutin ang Magdagdag ng Pagkukunan na may Larawan.
  5. Kung nag-klik ka upang magdagdag ng pagkukunan na may larawan, pindutin ang Magdagdag ng Larawan. Maaari kang kumuha ng larawan sa paggamit ng iyong kagamitan. Maaari kang pumili ng larawan sa iyong kagamitan o mga salansan. Maaari kang pumunta sa iyong FamilySearch Gallery upang piliin ang larawan.
  6. Ilagay ang kabatiran ng pagkukunan. Maglagay nang dahilan para sa pag-lakip ng pagkukunan.
  7. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang mga pagkukunan ay hindi maaaring idagdag sa pamamagitan ng Family Tree LIte. Mangyaring dalawin, sa halip, ang buong website.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako magdaragdag ng panlabas na pagkukunan sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?