Paano ko aayusin ang isang pagkukunan sa Family Tree?

Maaari mong ayusin ang kabatiran tungkol sa mga pagkukunan na nakakabit sa mga tao.

Bago ka magsimula

  • Kung nagdagdag ka o inayos mo ang isang URL, muli itong susuriin ng FamilySearch upang matiyak na ito ay naglalaman ng angkop na laman sa Family Tree.
  • Kung naaprubahan na ang website para magamit sa Family Tree, maaari mong ipunin ang pagkukunan at magpatuloy.
  • Kung ang website ay hindi naaprubahan para sa Family Tree, hinihikayat ka ng kaparaanan na ibigay ang URL para sa muling pagsusuri. Pagkatapos na muling suriin, tatanggap ka ng email na patalastas. Sa puntong iyon, bumalik sa Family Tree, at muling ilagay ang URL. Muling susuriin ng FamilySearch kapag iugnay mo sa isang lugar na hindi sinusubaybayan ang nilalaman.
  • Kung naglagay ka ng website na ituturing ng FamilySearch na hindi angkop, hindi mo maaaring ipunin ang pagkukunan.

Mga Hakbang (website)

  1. Maglayag sa pahina ng Tao ng taong may nakakabit na isang pagkukunan.
  2. Pindutin ang markang Mga Pagkukunan
  3. Pindutin ang pagkukunan na nais mong ayusin.
  4. Pindutin ang Ayusin.
  5. Ilagay ang iyong mga pagbabago at isang dahilan para sa mga pagbabago.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Humanap ng mga pagkukunan na nakakabit sa mga kaugnayan sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak ng isang pahina ng tao. Pindutin ang markang ayusin sa tabi ng alinman sa petsa ng kasal o pangalan ng bata, ayon sa kaugnayan.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Maglayag sa pahina ng Tao ng taong may nakakabit na pagkukunan.
  2. Pindutin ang markang Mga Pagkukunan.
  3. Pindutin ang pagkukunan na nais mong ayusin.
  4. Sa kanang sulok sa tuktok, pindutin ang 3 tuldok, at pagkatapos ay pindutin ang Ayusin.
  5. Gawin ang iyong mga pagbabago, at pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite ay walang katangian na Mga Pagkukunan. Dalawin ang buong website.

Magkakaugnay na mga lathalain.

Ano ang aking kahon na pagkukunan?
Paano ako magdaragdag ng panlabas na pagkukunan sa Family Tree?
Paano ko ibabalik ang mga pagkukunan na tinanggal mula sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?