Paano ko idadagdag ang isang anak sa Family Tree?

Ang isang pinaka-matuwid na paraan sa pagdagdag ng anak sa Family Tree ay upang iugnay sila sa kani-kanilang mga magulang.

Mga Hakbang (website)

Tanawin, Larawan, Tsart na Pamaypay, at Mga Tanawing Inapo

  1. Sa tuktok ng menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang magulang ng bata na nais mong idagdag.
  3. Pindutin ang pangalan ng magulang. Sa mga detalye na lumalabas, pindutin muli ang pangalan ng magulang. Dadalhin ka sa pahina ng taong iyan.
  4. Pindutin ang markang Mga Detalye .
  5. Mag-balumbon sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak.
  6. Sa ilalim ng Mga Asawa at Mga Anak,pindutin ang Magdagdag ng Anak. (Kung hindi nagpapakita ang Idagdag ang Anak, pindutin ang pana na pababa sa tabi ng Mga Anak, at sa ilalim ng kahon ng mag-asawa.)
    • Kung isang magulang ng anak ay hindi kilala, pindutin ang Magdagdag ng Anak na may Hindi Kilala na Ina o Ama. Magdagdag ng mga detalye sa isang paalaala.
  7. Ilagay ang kabatiran tungkol sa anak, at pindutin ang Susunod. (Kung alam mo ang ID ng anak, pindutin ang Ayon sa Bilang ng ID.)
  8. Repasuhin ang mga kinalabasan sa pananaliksik. Kung nakikita mo ang tamang anak, pindutin ang Magdagdag ng Tao.
  9. Kung hindi mo nakikita ang tao sa mga kinalabasan ng iyong pananaliksik, pindutin ang Lumikha ng Panibago.

Tanawing Unang Ninuno

  1. Lumagda sa FamilySearch at pindutin ang FamilyTree at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang magulang ng bata na nais mong idagdag.
  3. Pindutin ang pananda na + sa kanang tuktok sa itaas ng kani-kanilang larawan.
  4. Pindutin ang Magdagdag ng Anak.
  5. Ilagay ang kabatiran tungkol sa anak, at pindutin ang Susunod. (Kung alam mo ang ID ng anak, pindutin ang Ayon sa Bilang ng ID.)
  6. Repasuhin ang mga kinalabasan sa pananaliksik. Kung nakikita mo ang tamang anak, pindutin ang Magdagdag ng Tao.
  7. Kung hindi mo nakikita ang tao sa mga kinalabasan ng iyong pananaliksik, pindutin ang Lumikha ng Panibago.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobil app, maglayag sa pahina ng Tao ng isang magulang.
  2. Pindutin ang markang Mga Asawa.
  3. Kung nakikita mo ang higit sa isang asawa, pindutin ang pana na pababa sunod sa pangalan ng angkop na asawa.
    • Sa kasalukuyan, ang mobile app ay walang pagpipilian upang idagdag ang anak sa magulang na walang asawa. Dalawin ang website para sa pagpipilian na ito.
  4. Pindutin ang Magdagdag ng Anak.
  5. Maglagay ng kabatiran tungkol sa anak, at pindutin ang Magpatuloy.(Kung alam mo ang ID ng anak, pindutin ang Magdagdag ayon sa ID o Hanapin ayon sa ID.)
  6. Ipahiwatig kung ang tao ay buhay o patay, at saka pindutin ang Magpatuloy.
  7. Repasuhin ang mga kinalabasan sa pananaliksik. Kung nakikita mo ang tamang anak, pindutin ang Magdagdag ng Tugma.
  8. Kung hindi mo nakikita ang tao sa mga kinalabasan ng pagsasaliksik, pindutin ang Walang Tugma.
  9. Repasuhin ang iyong lagay, at pindutin ang Magdagdag o Idagdag ang Taong Ito.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Habang nakalagda sa Family Tree Lite, maglayag sa pahina ng Tao ng isang magulang.
  2. Pindutin ang Tignan ang Mag-anak.
  3. Sa ilalim ng Mga Asawa at Mga Anak, sa ilalim ng angkop na asawa, pindutin ang Magdagdag ng Anak.
    • Ang Family Tree Lite ay walang pagpipilian upang magdagdag ng isang kapatid na walang mga magulang. Dalawin ang buong website para sa pagpipilian na ito.
  4. Ilagay ang kabatiran tungkol sa anak, at pindutin ang Susunod. (Kung alam mo ang ID ng anak, pindutin ang Hanapin ayon sa Bilang ng ID.)
  5. Repasuhin ang mga kinalabasan sa pananaliksik. Kung nakikita mo ang tamang anak, pindutin ang Magdagdag ng Tao.
  6. Kung hindi mo nakikita ang tao sa kinalabasan ng paghahanap, pindutin ang Lumikha ng Tao.

Mga Tulong

Kambal o maramihang mga pagsilang

  • Idagdag ang bawat isang magkahiwalay na tao.
  • Huwag idagdag ang salitang "Kambal" sa pangalan. Sa halip, maaari mo itong tukuyin sa Ibang kabatiran, o ang bahaging Mga Tala ng pahina ng Tao para sa bawat katao.
  • Kahit na idinagdag sa tanging kaayusan, ang mga anak ay maaaring magpakita na wala sa ayos. Kung dalawang tao ang nagpapakita ng magkaparehong kapanganakan, itatala ng kaparaanan ang mga ito ayon sa alpabeto. Hindi mo maaaring baguhin ang kaayusan.
  • Kung ang kambal ay namatay na walang pangalan, isulat lamang ang apelyido sa kapanganakan at petsa ng kamatayan. Upang iwasan ang pagsasama sa kalaunan ng mga talang tila doble, maaari mong gawin ang mga hakbang na ito:
    • Lumikha ng paalaala para sa isa-isa upang maipaliwanag ang kalagayan.
    • Magsuri para sa maaaring mga doble, at markahan ang kambal na Hindi Tugma ng isang malinaw na pahayag na dahilan.

Mga Anak sa Labas

  • Maaari mo silang iugnay sa tunay na mga magulang ng isa-isa, o bilang mag-asawa.
  • Huwag magdagdag na anumang kabatiran sa pag-aasawa para sa mag-kabiyak. Ilagay ang may-katuturan na kabatiran sa isang paalaala.
  • Sa kasalukuyan, ang Family Tree ay nagkakaloob ng limang uri ng mga kaugnayan sa pagitan ng mga magulang at mga anak: Ampon, Tunay, Pangangalaga, Anak-anak, at Pang-uman. Ipinapalagay ng Kaparaanan ang isang tunay na kaugnayan.Maaari mong tukuyin ang iba-ibang uri ng kaugnayan para sa maraming pangkat ng mga magulang.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko idadagdag ang isang magulang sa Family Tree?
Paano ko tutukuyin ang tunay, pang-uman, ampon, at pangangalagang kaugnayan sa Family Tree?
Paano ko ibabalik ang isang tinanggal na kaugnayan sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?