Paano ko kakalagin ang suskrisiyon o sumuskribe sa mga patalastas na email at newsletters?

Manatiling up-to-date sa lahat ng nangyayari sa FamilySeach sa pamamagitan ng email notifications, newsletters, at mensaheng teks. Piliin kung alin ang natanggap. Maaari mong simulan o tigilan ang mga ito sa anumang oras.

Ang mga patalastas ay makakatulong sa iyo ng lubos sa website.

  • Makipagtulungan sa iba.
  • Pag-aralan kung ano ang bago sa aming site.
  • Magsimula sa kasaysayan ng mag-anak.
  • Tingnan kung ano ang nangyayari sa RootsTech.

Kung sumali ka sa indeksing, maaari kang mag-subscribe sa indexing emails

Mga Hakbang (website)

  1. Magpunta sa iyong mga lagakang patalastassa FamilySearch.
  2. Upang mabuksan ang mga email notifications, piliin ang mga email na gusto mong matanggap sa listahang ibinigay sa pagpitik sa mga switch sa on. Kung gusto mong itigil ang iyong suskrisiyon sa lahat ng mga patalastas, piliin ang pamiliangUnsubscribe From All Messages nasa malapit sa ilalim ng tabing.
  3. Upang tumanggap ng mga patalastas sa iba't ibang wika, hanapin ang Language heading sa ilalim ng pahina. Pindutin ang Edit Language. Pindutin ang wikang gusto mo.

Ang iyong mga pagbabago ay kusang itinatabi.
Maaari mo ring itigil ang iyong suscription kapag tumanggap ka ng email. Pindutin ang angkop na link sa ilalim ng email.

Ang FamilySearch ay nagpapadala rin ng kabatiran sa pamamagitan ng FamilySearch Messaging Service. Hindi ka maaaring umalis sa pagmemensahe.

Mga hakbang (mobile Tree app)

  1. Tapikin ang 3 guhit na ikon.
  2. Tapikin ang Mga Lagakan.
  3. Tapikin ang Mga Suskrisiyon.
  4. Tapikin upang ma-i-toggle ng on o off ang mga bagay.

Android Treee app lamang:Pagkataos na makompleto mo ang hakbang 1-4, magpatuloy sa mga hakbang na ito upang ma-i-customize ang mga patalastas.

  1. Bumalik ng isang tabing, at tapikin ang Notifications.
  2. Tapikin ang bawa't uri ng patalastas upang ma-i-toggle ng on o off.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Hindi mo maaaring baguhin ang notification settings sa Family Tree Lite.

Hindi mo natatanggap ang mga emails na nilagdaan mo

Kung hindi mo natatanggap ang mga emails na nilagdaan mo, narito ang mga bagay na dapat suriin:

  • Kung mayroon kang maraming email address, maaari naghahanap ka sa maling account. Ang newsletter ay pupunta sa email na nakalista sa iyong FamilySearch contact settings.
  • Maaaring salain ng iyong email provider ang email sa iyong spam folder. Tignan doon. Kung nakita mo, tiyakin na hindi ito basura.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko papalitan ang wika ng aking mga patalastas na email?

Nakatulong ba ito?