Tumanggap ako ng maling mensahe noong subukan kong tingnan ang mga larawan sa Talang Pangkasaysayan

Kapag hinahanap mo ang mga talang pangkasaysayan sa FamilySearch, minsan-minsan kang tumatanggap ng isang maling mensahe. Ang mga mensaheng mamamahala sa iyo sa isang sentro ng FamilySearch o kaakibat na aklatan ay hindi mga kamalian. Ang mga kontrata sa mga may-ari ng tala ay nagsasabi kung aling mga larawan ang maaari mong tingnan online. Gayundin, ang isang mensahe tungkol sa pagsuri sa ibang website ay hindi isang maling mensahe. Ang ilang mga komersyal na website ay nagbabahagi ng index ng kanilang mga koleksyon ng rekord sa aming mga gumagamit, ngunit hindi ang mga imahe ng rekord.

Larawang Hindi Makukuha o Magagamit

Ang mensahe ay bagsak-baba sa kung saan mo inaasahang makita ang mga larawan ng pelikula at nasa isang puting kahon. Ang mensahe ay tumpak—ang mga larawan ay wala online. Karaniwan mong nakikita ang mensahe kapag nagbago ang mga kapahintulutan para sa mga koleksyon ng tala at ang lahat ng bahagi ng FamilySarch ay hindi pa inilalagay-sa-panahon. Kapag ang kaparaanan ay sabay-sabay, ang isyu ay nawawala. Subukang tingnan muli ang mga larawan pagkatapos ng ilang sandali.

Ang kamalian ay may bilang o salitang “tarheta-na-ligaw.”

Kung ang mensahe ay naglalaman ng kamalian sa isang bilang o ang salitang "tarheta-na-ligaw," gamitin ang mga hakbang na ito:

  1. Tanggalin ang pansamantalang mga salansan, kasaysayan ng pagbasa-basa, at mga kukis.
  2. Subukan ang ibang browser ng Internet.
  3. Lumagda sa FamilySearch.org bago ka magsaliksik para sa mga talang pangkasaysayan.
  4. Kung ang problema ay patuloy, kontakin ang Suporta ng FamilySearch.

Kung tumatanggap ka ng ibang mga maling mensahe, mangyaring makipag-ugnay sa Suporta sa FamilySearch.

Mahalagang paalala

Minsan maaari kang makahanap ng mga link sa mga koleksyon ng Historical Record sa mga forum o blog. Ang mga ugnay ay maaaring wala -sa -panahon. Kung nakakakuha ka ng isang maling mensahe mula sa naturang mga ugnay, iminumungkahi namin na hanapin mo ang koleksyon sa FamilySearch sa halip.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko tatanggalin ang lahat ng mga kukis at mga pansamantalang mga salansan na itinago ng aking internet browser?
Ano-ano ang mga paghihigpit ng mga larawan sa Mga Talang Pangkasaysayan?
Bakit may mga hangganan sa pag-gamit ng Talang Pangkasaysayan?
Pagkuha sa Karamihan mula sa Iyong Pagsasaliksik : Pag-unawa sa Pahina ng Mga Tala ng Pagsasaliksik

Nakatulong ba ito?