Paano ko dapat indeksin ang mga pagkakamali sa talaan?

Minsan-minsan, nagkakamali ang klerk o taong gumawa ng talaan. Habang ginagawa mo ang indeksing, maaari kang makakita ng mga kamalian tulad nito:

  • Sa isang sertipiko ng kamatayan, maaaring isinulat ng klerk ang petsa ng kamatayan bilang Pebrero 30, ngunit ang Pebrero ay walang 30 araw.
  • Ang pangalan ng lugar ay maaaring talagang mali ang baybay.
  • Ang kasarian ay tila hindi tugma sa ibinigay na pangalan at kaugnayan.

Ang pangkalahatang tuntunin ay ang isulat kung ano ang nasa larawan, kahit na ang kabatiran ay tila hindi tama, ngunit ang mga panuntunan ay magkakaiba sa bawat proyekto. Tingnan ang Tulong na Larangan para makita kung anong mga patnubay, kung mayroon man, ay ibibigay para sa mga pagwawasto. Kadalasan, maaaring iwasto ang maling baybay ng mga pangalan ng lugar.

Para sa mga proyektong nagbibigay ng parehong pangalan at kaugnayan, at kapag ang nakalistang kasarian ay hindi tugma sa iba pang 2 babala, ilista ang tamang kasarian batay sa iba pang kabatiran. Halimbawa, kung ang ibinigay na pangalan ay Rebecca, at ang kaugnayan ay Asawang Babae, ngunit ang kasarian ay M (para sa Lalaki), isulat ang F para sa Babae) sa puwang ng Kasarian.Tandaan: Ang M o F ay iba-iba, ayon sa wika kung saan ka gumagawa ng indeksing. Halimbawa, sa Kastila ang kodigo ng kasarian ay karaniwang H (hombre, para sa lalaki) o M (mujer, para sa babae).

Tandaan, ang na-indeks na kabatiran ay layuning ikabit ang digital na larawan ng kasulatan sa talaan. Ang tao sa ganun ay makikita ang kabatiran sa orihinal na kasulatan at pasyahan kung anong mga pagwawasto ang gagawin para sa nakalistang kabatiran.

Magkaugnay na mga lathalain

Anong mga uri ng online na tulong ang magagamit habang ako ay gumagawa ng indeksing?
Saan ko hahanapin ang mga alituntunin sa paggawa ng indeksing ng proyekto?

Nakatulong ba ito?