Paano ako tutulungan ng FamilySearch Research Wiki na mahanap ang aking mga ninuno?

Ang Research Wiki ay naglalaman ng libu-libong mga pamulaan upang matulungan kang mahanap ang iyong mga ninuno.

Magsaliksik ayon sa lugar: Ang pinakamahusay na paraan ay saliksikin ang Wiki para sa lugar na pinanganakan, pinagkasalan, kinamatayan o tinirahan ng iyong mga ninuno. Halimbawa, maaari mong saliksikin ang bayan, lalawigan, o bansa. Gamitin ang puwang sa pananaliksik upang mai-type ang lugar na sasaliksikin.

Umigit sa isang pahina: Sa pangunahing pahina ng Wiki, pindutin ang Listahn ng lahat ng Mga Lokalidad upang pumunta sa kinakaukulang pahina ng Wiki. Ang mga pahinang ito ay naglilista sa mga online databases at ibang mga pamulaang magagamit para sa lokasiyon.

Magsaliksik ayon sa Paksa: Maglagay ng isang uri ng tala sa linang ng pananaliksik upang mahanap ang mga pahinang Wiki tungkol sa paksa. Halimbawa, England Census. Ang mga pahinang ito ay madalas na nililista kung ano ang tala, anong kabatiran ang nilalaman, at paano mahanap at magamit ang mga tala.

Mga hakbang


  1. Pumunta sa FamilySearch Research Wiki website.
  2. Gamitin ang kahon sa pananaliksik upang mai-type ang lugar o paksa. Makikita mo ang mga paksang lathalain habang nagta-type ka.
  3. Maaari mo ring pindutin ang Listahan ng Mga Lokalidad upang umigit sa mga pahinang Wiki. Pagkatapos na pindutin ang buton, pindutin ang pangalan ng lugar.
  4. Para sa marami pang tulong, pindutin ang Humanap ng Mga Tulong sa Pananaliksik sa ibabaw ng mapa.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang Research Wiki?
Paano ko masasaliksik ang FamilySearch Research Wiki?
Paano ko iuulat ang isang kamalian sa FamilySearch Research Wiki?

Nakatulong ba ito?