Pagtatanong o pagsagot ng mga katanungan sa FamilySearch Community

Mag-balita ng isang katanungan mula sa home page

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa kanang tuktok, pindutin ang bilog na may tandang pananong.
  3. Sa ilalim ng bagong kahon, pindutin ang Komunidad.
  4. Tumingin sa kanang tuktok. Kung makita mo ang "Lumagda", pindutin ito upang lumagda sa Komunidad.
  5. Sa kanang panig sa ilalim ng Mga Kategorya, mag-tingin-tingin sa listahan ng mga kategorya at pindutin ang isang pinakamagaling na naangkop sa iyong katanungan.
  6. Sa sentro, makikita mo ang nakaraang mga katanungan. Suriin ang mga ito upang makita kung may iba nang nagtanong sa iyong katanungan.

May iba nang nagtanong sa aking katanungan.

  1. Pindutin ang pamagat upang mabuksan ang balita.
  2. Suriin ang mga kasagutan.
  3. Upang magdagdag sa talakayan, hanapin ang kahon ng Mag-iwan ng puna. Ilagay ang iyong mga puna at pindutin Mag-balita ng puna.

Ang aking katanungan ay bago

  1. Pindutin ang Magtanong.
  2. Punan ang bawat kahon at pindutin ang Magtanong.

Mag-balita ng katanungan sa isang pangkat.

  1. Sa mataas na panig, pindutin ang Mga Pangkat.
  2. Hanapin ang pangkat.
  3. Pindutin ang Sumali upang maging isang kasapi ng pangkat.
  4. Karamihan sa mga pangkat ay nagsisimula sa mga pagkukunan at mga balita. Mag-balumbon upang mahanap ang Bagong Talakayan at pindutin ang pana na pababa sa kanan ng buton.
  5. Pindutin ang Magtanong.
  6. Punan ang bawat larangan at pindutin ang Magtanong.

Ayusin ang iyong post.

  1. Kung may napansin kang kamalian sa iyong balita, sa kanan ng pamagat, pindutin ang Tatlong Tuldok.
  2. Pindutin ang Ayusin.
  3. Isagawa ang iyong mga pagwawasto at pindutin ang Itabi.

Repasuhin ang kasagutan sa iyong balita.

Ang mga kasagutan ay nasa ibaba ng iyong balita. Sa ilalim ng kasagutan makikita mo ang "Nasagot ba nito ang katanungan?" Kung ito sa palagay mo ay isang mabuting kasagutan, pindutin ang Oo. Ngayon ang kasagutan na ito ay lilitaw sa tuktok ng talakayan. Ang mga taga-alalay ay nalalaman na mayroon kang kasagutan sa iyong katanungan.

Kung makakita ka ng mas mahusay na kasagutan, pindutin ang Oo para sa mas mahusay na kasagutan upang itusok ito sa tuktok ng talakayan.

Sagutin ang mga katanungan o magdagdag sa talakayan

  1. Kapag nakakita ka ng katanungang puwede kang makatulong, pindutin ang pamagat upang mabuksan ang talakayan.
  2. Mag-balumbon upang mahanap ang kahon na Mag-iwan ng Puna at ilagay ang iyong kasagutan o puna. Gamitin ang mga ikon upang magdagdag ng mga Emojis, larawan,o mga salansan.
  3. Pindutin ang Mag-balita ng puna.

Isulat ang isang puna sa iyong balita

Kung gusto mong magdagdag sa isang kasagutan na balita ng iba o magtanong ng kasunod na katanungan, gamitin ang mga hakbang sa itaas para sa pagsagot sa mga katanungan. Puwede mong pindutin ang Quote sa ibaba ng ibang balita kung gusto mong isama ito sa iyong balita. Mailalagay nito ang ibang puna sa simula ng iyong puna.

Maglagay ng markang-aklat sa isang talakayan

Sa kanang tuktok ng pamagat ng talakayan, pindutin ang lasong ikon upang lagyan ng markang-aklat ang talakayan.

Humanap ng mga markang-aklat

  1. Sa kanang panig, hanapin ang Mabilis na Mga Ugnayan.
  2. Sa kanan, pindutin ang Aking Mga Markang-aklat.
  3. Pindutin ang isang pamagat upang mabuksan ang talakayan.
Nakatulong ba ito?