Paano ang paglagay ng mga pangalang Samoan sa Family Tree

Karanasan

Ang mga huling pangalan ay hindi umiral sa Samoa hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo nang magsimulang mag-kolonya ang mga bansang Europa.

Ang ibinigay na pangalan ay isang pangalang ibinigay sa kapanganakan. Ang pangalan ay maaaring binubuo ng maraming mga koro-koro o mga salitang wala sa alinman sa apelyido.

Karamihan sa mga Samoan ay may palayaw. Sa maraming mga kaso, ito ay isang maikli, o daglat na porma ng ibinigay na pangalan. Ang pangalang Tevi, halimbawa, ay isang palayaw para kay Tevita.

Bilang karagdagan sa kanilang una at huling mga pangalan, ang ilang mga pinuno ng Samoan ay may titulo. Ang mga titulo ng mag-anak ay mga pangalan ng ninuno na ipinasa mula sa salinlahi sa salinlahi sa mga pinuno. Noong una, ang mga titulong ito ay mag-papalit sa isang naibigay na pangalan. Ngayon, ang mga titulo ay inilalagay sa unahan ng ibinigay na pangalan. Kapuwa kalalakihan at kababaihan ay maaaring magkaroon ng titulo.

Ang mga Samoan ay maaari ring bigyan ng tungkulin. Ang mga pinuno ang humahawak ng bantog na tungkulin sa pagtataguyod at paninindigan sa kanilang mag-anak at nayon. Ang kanilang mga tungkulin ay nakilala ayon sa kanilang mga titulo. Muli, ito ay hindi dapat maging kalituhan sa una o huling mga pangalan.

Maglagay ng isang pangalang Samoan sa Family Tree


Kung ang tao ay may titulo, ilagay ang titulo sa larangan ng Titulo. Huwag ilagay ito bilang una o huling pangalan.

Ilagay ang unang pangalan ng tao--ang pangalang ibinigay sa kapanganakan-- sa larangan ng mga Unang Pangalan. Kung ang pangalan ng tao ay binubuo ng higit sa isang salita, ilagay lahat ng mga salita sa kaparehong larangan.

Kung ang tao ay mayroong higit sa isang unang pangalan, ilagay lahat ng mga pangalan nang sama-sama sa larangan ng Unang mga Pangalan. Ito ay kapareho sa pagdaragdag ng tinatawag na gitnang pangalan.

Huwag maglagay ng mga tungkulin o mga palayaw bilang unang mga pangalan. Maaari mong idagdag ang mga ito pagkatapos mong likhain ang profile ng tao (pumunta sa Mga Detalye, at ilagay ang bahaging pinamagatang Ibang Kabatiran).

Ilagay ang apelyido ng tao sa larangan ng Mga Huling Pangalan.

Magkakaugnay na mga lathalain


Paano ang paglagay ng mga pangalang Maori sa Family Tree
Paano ang paglagay ng mga pangalang Fijian sa Family Tree

Nakatulong ba ito?