Paano ko ilalagay ang mga tekstong klasikong Intsik sa Family Tree?

Ginawang pamantayan ng Family Tree ang mga petsang mayroong dynasty, titulong kaharian ng emperador, taon, buwan, at araw.

Mapapalitan ng FamilySearch ang alinmang mga petsang sexagenary o mga taong regular( halimbawa, 丁卯年 or ika-apat na taon).

Maiimbak ng Family Tree ang mga petsa sa kapuwa orihinal na pormang Intsik at ang pamantayang Gregorian form. Tingnan ang "Paano mapapanatili ang kapuwa Intsik at pamantayang mga petsa" sa ibaba.

PetsaPamantayang (Gregorian) petsaPaliwanag
漢成帝建始四年九月Setyembre 0029 B.C.Han Dynasty, Emperor Cheng, Jianshi Reign, Taon 4, Buwan 9
嘉慶癸亥三月三十日20 Mayo 1803Sa ikapitong buwan, sa taglagas, ng ikatlong taon ng Jianhe Reign ng Emperor Huan ng Han
乾隆四十六年辛丑嵗六月二十八日辰時17 Agosto 1781Sa pagitan ng 7:00 at 9:00 ng umaga sa ika-28 araw ng ikaanim na buwan ng ika-46 na taon ng paghahari ng Qianlong Emperor
萬曆元年正月20日 21 Pebrero 1573
Ika-20th araw ng unang buwan ng unang taon ng kaharian ng Wanli Emperor

Mga petsang baha-bahagi

Ang Family Tree ay magagawang pamantayan ang baha-bahaging mga petsang Intsik. Gayunpaman, kung maidaragdag mo ang nawawalang kabatiran, maaaring magtustos ang Family Tree ng mas kumpletong petsang Gregorian.

PetsaPamantayang (Gregorian) petsaPaliwanag

A.D. 1368Ang unang taon ng Ming dynasty.
康熙A.D. 1662Ang unang taon ng paghahari ni Kangxi.
辛丑十一月十九日22 Disyembre 2021 26 Disyembre 1961 29 Disyembre 1901

Ang taon sa loob ng paulit-ulit na siklo ng sexagenary (60-taon) na sinundan ng buwan at araw.

Ang tiyak na halimbawang ito ay nangangahulugang ang ika-19 araw ng ika-11 buwan ng ika-38ng taon ng isang siklong sexagenary .

Marami pang kabatiran ang kakailanganin upang mahanap ang taong Gregorian.

靈帝熹平三年A.D. 1074Ang ikatlong taon nag Xiping Reign ni Emperador Ling.
哀帝建平四年夏0003 B.C.Ang tag-init ng ika-apat na taon ng Jianping Reign ni Emperor Ai.

Mga Panahon

Ang ilang mga petsa ng Intsik ay may kasamang panahon. Ang Family Tree ay hindi ginawang pamantayan ang mga panahon sapagka't ang mga ito ay masyadong walang katiyakan. Ang pagpapanatili ng parehong mga petsang Intsik at Gregorian sa Family Tree, tulad sa susunod na inilarawan, ay pinapanatili ang malinaw na kabatiran.

Paano pananatilihin ang kapuwang mga Intsik at pamantayang mga petsa

Ang petsang Intsik ay nagtutustos ng kayamanang pangkasaysayan at kultural na kaalaman na kulang sa petsang Gregorian. Maaari mong mapanatili ang petsa sa kapuwa pormat kapag inilalagay ang family history ng mga Intsik sa Family Tree.

Upang kapuwang maitala, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Sa isang linang ng petsa sa Family Tree, ilagay ang petsa mula sa kasulatang Intsik.
  2. Ang linang ng Petsa ng Pamantayang Pangyayari, pindutin ang petsang Intsik na kalagay mo lang. Ang Family Tree ay kusang pipiliin ang pamantayang petsang Gregorian para sa iyo.
  3. Kung ang pamantayang petsa ay hindi tama, pindutin ang linang ng Petsang Pamantayang Pangyayari, at piliin ang tamang petsa. Kung wala sa mga nakalistang mga petsa ay tama, pilinn ang None of the Above. Kung pinili mo ang None of the Above, pananatilihin ng Family Tree ang petsang Intsik na inilagay mo pero hindi pipili ng isang pamantayan.

Paalaala: Ang maraming mga halimbawa sa lathalaing ito ay galing sahttps://eastasiastudent.net/china/classical/date-format. Ang website na ito ay nagbibigay ng isang simpleng pagpapakilala sa mga petsang Intsik para sa mga nagsasalita ng Ingles.

Magkakaugnay na mga Paksa

Paano ko ilalagay ang mga petsa at mga lugar sa Family Tree?
Hindi ko alam ang eksaktong petsang ilalagay sa Family Tree
Mga Shortcut sa paglalagay ng mga petsa sa Family Tree

Nakatulong ba ito?