Paano ko iwawasto o isasa-ayos ang isang lugar sa FamilySearch Places?

Salamat sa iyong panahon upang mapabuti ang aming kabatiran sa lugar. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbibigay at rerepasuhin ito ng maigi.

Mga Hakbang (website)

  1. Simulan sa FamilySearch Places.
  2. Sa search box, ilagay ang lugar na kinawiwilihan mo.
  3. Pindutin ang angkop na resulta ng saliksik.
  4. Sa kanang tabi ng tabing, sa ibaba ng mapa, pindutin ang Improve This Place.
    • Upang makita ang link para sa Improve This Place, tiyaking nakalagda ka.
  5. Isang kahon ang lilitaw na may pamagat na "Suggest an Improvement."
    1. Gamitin ang drop-down menu upang makilala kung ano ang mali o kulang sa kasalukuyang entry.
    2. Maglagay ng maikling paglalarawan ng kailangang baguhin o dagdagan.
    3. Kung pupuwede, ilagay ang URL ng website na magagamit upang mapatunayan ang bagong kabatiran.
    4. Ilagay ang iyong email, sakaling kakailanganin pa ng kabatiran.
  6. Tapikin angIpasa.

Mga Hakbang (mobile app)


Mangyaring gumamit ng isang browser upang magmungkahi at magwasto sa pamantayang mga lugar.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)


Mangyaring gamitin ang pangunahing FamilySearch website upang maimungkahi at maiwasto ang batayang mga lugar.

Nakatulong ba ito?