Pag-attach ng source sa isang tao sa Family Tree

Ang Source Linker ay gumagamit ng purple Compare icon para ipaalam sa iyo na may impormasyon sa kaliwang column (ang source) na nawawala sa kanang column (Family Tree).

attach source Top Image.png

Kung ipapasiya mo na iisang tao ang inilalarawan ng mga column, maaari mong ilipat sa kanang column ang impormasyon na nasa kaliwang column upang lumitaw ito sa magkabilang column. Ito ang tinatawag nating pag-attach ng source sa Family Tree. Tingnan natin nang mas maigi kung paano ito gumagana.

  1. Habang nakabukas ang Source Linker, i-klik ang purple Compare icon. Kung hindi mo makita ang Compare icon, naka-attach na ang source, o hindi ito naglalaman ng anumang bagong impormasyon.  
  2. Pagkatapos mong i-klik ang Compare, lalawak ang 2 Source Linker column kaya makikita mo ang mga detalye sa rekord o talaan (kaliwang column) at ikumpara ang mga iyon sa mga detalyeng naroon na sa Family Tree (kanang column).  
  3. Ang bago o dating di-alam na detalye ay may kasamang green plus button.  
  4. Para idagdag ang detalye sa Family Tree, i-klik ang berdeng plus button.  
    Attach to Person_2nd Image.png
  5. Isiping magpasok ng paliwanag sa Reason field. Ipaliwanag nang maikli kung bakit sa palagay mo ay maaasahang tugma ang rekord o talaan para sa Tree person. Tutulungan nito ang iba pang mga user na magtiwala sa iyong kontribusyon.   

Ang ibig sabihin ng purple Different tag

Sa ilang pagkakataon, ang detalye sa rekord o talaan ay hindi naman bago, kundi iba lang ito sa nakikita mo sa Family Tree side ng Source Linker. Halimbawa, maaaring iba ang pagkakabaybay sa pangalan, o maaaring iba ang petsa para sa isang mahalagang kaganapan sa buhay.

Kapag nangyari ito, hindi mo makikita ang berdeng plus button. Sa halip, ang detalye ay may kasamang purple tag na may salitang Different sa loob nito at maliit na pencil icon para sa pag-edit ng impormasyon sa Family Tree.

  • Ang pagsasabi lang doon na Different ay hindi nangangahulugan na kailangang gumawa ng pagbabago.  
  • Kung ipasiya mo na mas tumpak o kumpleto ang impormasyon sa kaliwang column, i-klik ang pencil icon, at i-edit mo iyon.  
  • Ang iyong pagtatama ay gagawing mas tumpak at maaasahan ang Tree para sa iba pang mga user.  
Attach to Person_3rd Image.png

Nakatulong ba ito?