Pagtingin sa source image at person side panel

Kapag may mga tanong ka tungkol sa mga detalyeng nakikita mo sa Source Linker, subukang tingnan ang source image o ang person side panel para sa iba pang impormasyon.

new view source Top Image.png

Pagtingin sa source image

Ang source image ay isang digital image ng source. Sa maraming pagkakataon, naglalaman ito ng mas maraming impormasyon kaysa nakikita sa Source Linker at maaari pa ngang maghayag ng isang pagkakamali sa transcription.

Para makita ang source image, tumingin sa kaliwang sulok sa itaas ng Source Linker, at i-klik ang View Image.

new View Panel_2nd Image.png

Ano ang pagkakaiba sa pagtingin sa talaan at pagtingin sa image?

Kapag nag-klik ka sa View Record, makikita mo ang isang organisadong buod ng lahat ng detalyeng nai-transcribe mula sa source.

Kapag nag-klik ka sa View Image, makikita mo ang digital image ng aktuwal na source na nai-transcribe—sa madaling salita, makikita mo ang larawan ng birth certificate, census page, death certificate, o iba pang dokumento ng kasaysayan.

Pagtingin sa person side panel

Lumilitaw ang person side panel tuwing magki-klik ka sa isang pangalan sa kanang column ng Source Linker. Ang panel na ito ay nagbibigay sa iyo ng access sa karamihan ng impormasyong nasa person page ng ninuno sa Family Tree.

  • Para matingnan ang side panel, maghanap ng isang pangalan sa kanang column ng Source Linker, at i-klik ito.
  • O i-klik ang View _______ (ang pangalan ng tao), na nasa itaas ng Source Linker.
new View Panel_3rd Image.png

Nakatulong ba ito?