Pagtukoy kung tugma ang isang source sa iyong ninuno

source match Top Image.png

Ang pagtukoy sa isang match ay hindi palaging madali. Narito ang ilang patnubay mula sa mga eksperto para matulungan kang malaman kung ang isang talaan ay tugma sa isang ninuno o hindi:

  • Itanong sa iyong sarili, “Gaano tumutugma ang source sa mahahalagang petsa, lugar, at relasyon na naroon na sa Family Tree?”
  • Itanong sa iyong sarili, “Mayroon bang sapat na impormasyon para masabi na iisang tao ang inilalarawan sa talaan at sa Family Tree?” Nakalista sa ilang talaan sa binyag, halimbawa, ang pangalan ng isang ina o ama ngunit wala nang iba pang mahalagang impormasyon, tulad ng edad o petsa ng kapanganakan. Bagama’t mahalaga ang pangalan, hindi magandang ideya na sabihin na ang source ay tungkol sa isang partikular na tao sa Family Tree batay lamang sa pangalan.
  • Itanong sa iyong sarili, “Mayroon bang malaking problema?” Halimbawa, isipin ang isang sitwasyon kung saan karamihan sa mga detalye sa talaan ay tila tugma sa Family Tree—maliban sa taon ng kapanganakan, na may diperensyang 15 taon. Sa gayong sitwasyon, maaaring ang talaan ay para talaga sa isang pinsan.
  • Itanong sa iyong sarili, “Gaano mapagkakatiwalaan ang talaan?” Karaniwan, ang talaan ng kasaysayan na pinakamalapit sa event ang pinaka-mapagkakatiwalaan. Halimbawa, ang talaan ng kapanganakan ay mas mapagkakatiwalaan para sa impormasyon tungkol sa kapanganakan kaysa sa talaan ng kamatayan na maaaring may impormasyon din tungkol sa kapanganakan.

Sa huli, tandaan na maaaring mas karaniwan ang mga pagkakamali sa ilang uri ng talaan kaysa sa iba. Halimbawa, maaaring naisulat ng census taker ang mga pangalan nang hindi nagtatanong kung paano ito baybayin nang tama. O maaaring tinantya lang ang edad ng isang tao.
Sa birth certificate, sa kabilang dako, makakaasa ka na mas mapagkakatiwalaan ang gayong mga detalye.

Nakatulong ba ito?