Anu-ano ang mga pahayag na dahilan sa Family Tree?

Sa Family Tree, ang mga pahayag na dahilan ay tumutulong sa mga iba na maunawaan ang iyong mga pagbabago at makakatulong na maiwasan ang maling pagsasa-ayos sa hinaharap. Sa ilang mga lugar sa Family Tree, makakapili ka ng isang iminungkahing pahayag na dahilan.

Ang mga pahayag na dahilan ay hindi ang lugar upang magkaroon ng diyalogo o pagtatalo sa mga ibang tagagamit. Gamitin ang katangiangMga Talakayanupang maisulat ang mga katanungan o kaya makahiling ng kabatiran mula sa ibang tagagamit.

Mga tulong sa mabisang mga pahayag na dahilan

  • Magsulat nang malinaw. Gumamit ng mga kumpletong pangungusap.
  • Maging maiksi Ang mga pahayag na dahilan ay may hangganang 2,000.
  • Iwasan ang mga pahayag na "Ako". Sa halip, isulat sa pangatlong katauhan (gaya sa " Ang senso ay nagpapakitang...").
  • Manatiling propesyonal at walang kinikilingan.
  • Ituon ang paliwanag sa ninuno at mga pamulaang nagtataguyod sa kabatiran.
  • Ipakilala kung anong kabatirang pamulaan ang maliwanag na nagtaguyod at kung anong kabatiran ang nanganga-ilangan pa ng mga pamulaan. Halimbawa, sabihin na ang buwan at taon ng kapanganakan ay nanggaling sa sensus.
  • Kilalanin ang mga pamulaang ginamit mo. Kung maaari, ikabit ang mga pamulaan sa tao, at ilagay ang panandang pamulaan sa kabatirang itinaguyod ng mga ito.
  • Kung ang mga tala ay naglalaman ng salungat o maling kabatiran, ipaliwanag kung bakit sa palagay mo ang isang salin ang pinakawasto.
  • Kung ang kabatiran ay salungat sa mga kuwento ng mag-anak, ipaliwanag kung bakit naniniwala ka na ang kabatiran ay mas tumpak kaysa sa mga kuwento.
  • Kung hinango o kaya tinantiya mo ang kabatiran, ipaliwanag kung paano mo narating ang iyong pasiya.
  • Kung nagkaltas ka ng kabatiran, ipaliwanag kung bakit mo kinaltas ito at hindi iniwasto ang kabatiran.
  • Ituro ang may-katuturang mga talakayan.
  • Paki-usapan ang isang tao na basahin ang iyong pahayag na dahilan upang matiyak na malinaw ang inyong usapan.

Mga halimbawa ng mga pahayag na dahilan:

  • Libing: Ang kabatiran ay nagbibigay ng katunayan ng libingan at [pangunahing kabatiran sa libingan].
  • Civil Registration (England, Ireland, Wales): Ang talang ito ay nagbibigay ng katunayan ng [pangyayari] taon at pangkalahatang [pangyayari] lugar.
  • Binyag:
    • Para sa anak: Ang kasulatang ito'y nagbibigay ng katibayan sa petsa't araw ng pagbibinyag, kasama ang pangalan ng mga magulang.
    • Para sa magulang: Ang kasulatang ito ay nagbibigay ng katibayan ng [ pangalan ng magulang] kaugnayan sa [bata], at asawa.
  • Sensus: Ang resulta ng sensus ay nagbibigay ng katibayan ng tirahan, lugar ng kapanganakan, tantiyang taon ng kapanganakan, at [listahan ng ibang pangunahing kabatiran kung naaangkop].
  • Draft Registration: Ang kabatiran ay nagbibigay ng katibayan ng [listahan ng pangunahing kabatiran].
  • Kasal: Ang tala ng kasal ay nagbibigay ng katunayan ng petsa ng kasal at lugar at [pangunahing kabaturan sa tala].
  • Pagsamahin: Lahat ng mahalagang kabatiran at tugmang mga kaugnayan.
    • Paalaala: Ang tabing kung saan mo inilagay ang pahayag na dahilan para sa pagsasama ay naglalaman ng maraming mga halimbawa. Maaari mong pindutin ang iminungkahing pahayag na dahilan para gamitin, o ilagay ang iyong sariling pahayag.
  • Hindi Tugma: [Bilang ng ID] ay ibang tao sa [bilang ng ID] dahil [dahilan].

Ayusin ang mga pahayag na dahilan

Maisasa-ayos mo ang mga pahayag na dahilan sa mga pamulaang nakakabit sa isang tao.

  1. Pindutin ang Pamagat ng Pamulaan o View Source sa ibaba ng pamagat.
  2. Sa ilalim, maaari mong pindutin ang Magdagdag o Mag-ayos ng mga pahayag na dahilan.
  3. Ang original na pahayag ay nagpapakita pa rin sa listahan ng mga pagbabago.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko gagamitin ang mga katangiang talakayan sa Family Tree?
Paano maa-update ang profile, email address at ibang kabatiran ng kontak sa aking account?

Nakatulong ba ito?