Pinagandang FamilySearch

New Look 1st image

Nagdagdag kami ng kulay sa iba’t ibang link at button para mas maipaunawa sa mga user ang kanilang mga opsyon.

  • Ang kulay-berdeng Add button ay para magdagdag ng isang tao sa talaan ng kasaysayan sa FamilySearch Family Tree. Kung nasa Family Tree na ang ninuno, ang kulay-berdeng Add button ay para magdagdag ng detalye o katotohanan sa person page ng isang ninuno.
  • Ang kulay-lilang Compare button ay para pagpapasiyahan kung ang tao sa talaan ay kapareho ng tao sa Family Tree. Kung gayon, maaari mong i-attach ang talaan sa profile ng tao.
  • Ang detach button ay para tanggalin ang koneksyon sa pagitan ng talaan ng kasaysayan at ng tao sa Family Tree. Gagawin mo ito kung natuklasan mo na ang taong nasa talaan ng kasaysayan ay iba kaysa sa taong binanggit sa Family Tree.
New Look_ 2nd Image.png

Gumawa kami ng hiwalay na viewing panel sa kanang panig ng screen para sa pagtingin sa mga talaan at profile ng mga tao mula sa Family Tree.

  • Ang panel ay isang mahalagang bagay na idinagdag sa Source Linker dahil dito mo makikita ang impormasyong ito nang hindi umaalis sa tool.
  • Bubukas ang panel kapag nag-klik ka sa pangalan ng isang tao o nag-klik sa button para tingnan ang talaan.
Nakatulong ba ito?