Paano ko hahanapin ang Salansan ng Pagkukunan ng Angkan at ibang mga angkan?

Ang bahaging Mga Angkan ng website ng FamilySearch ay naglalaman ng mga talaan mula sa maraming mga database:

  • Mga Punong Komunidad
  • Bigkas na mga Angkan
  • Mga Punong Binuo ng Kompyuter
  • Samahan ng Isang-Pangalan na Mga Aralin
  • Mga Punong Kasosyo
  • Salansan ng Pagkukunan ng Angkan(PRF)
  • Salansan ng Ninuno (AF)
  • International Genealogical Index (IGI)

Para sa marami pang kabatiran tungkol sa bawat isang pangkat ng tala, dalawin ang FamilySearch Wiki.

Mga hakbang (website lamang)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Magsaliksik.
  3. Pindutin ang Mga Angkan.
  4. Maglagay ng kabatiran tungkol sa isang tao.
  5. Pag-klik sa Marami Pang Mga Pagpipilian.
    • Gamitin ang mga pagpipilian upang maging makitid ang iyong pagsasaliksik.
    • Maaari kang magdagdag ng maramihang mga pangalan, mga kaganapan, at mga kaugnayan. Pindutin ang bughaw na mga salita sa ilalim ng bawat kategorya.
    • Upang paganahin ang eksaktong pagtutugma sa pagsasaliksik, malapit sa ilalim ng panig ng Pagsasaliksik, mag-klik sa tabi ng Ipakita ang Eksaktong Pagsasaliksik. Pagkatapos ay pindutin ang maliit na kahon sa kanan ng mga larangan ng pangalan at lugar kung saan mo gusto ang eksaktong tugma. Ang Mga Angkan ay hindi nagbibigay ng eksaktong tugma na pagpipilian para sa mga petsa.
  6. Malapit sa ilalim ng lugar ng pagsasaliksik, ang bahagi ay may tatak na Idagdag ang Mga Pagpipilian ng Tala, pindutin ang Koleksyon.
  7. Sa kahon ng pagsasaliksik, pindutin ang pana na pababa.
  8. Pindutin ang isang koleksyon at pagkatapos ay pindutin ang Pagsasaliksik.
  9. Ang mga resulta ng iyong pananaliksik ay lumilitaw. Ang pinakamalapit na mga tugma ay lumilitaw sa tuktok ng listahan.
  10. Kung ang pagsasaliksik ay nagbubunga ng napakaraming resulta, ayusin ang iyong pagsasaliksik.
    • Sa tuktok ng Mga Resulta, pindutin ang isang bula na sala. Kasama nang mga pagpipilian ang: Koleksyon, Kasarian, Kapanganakan, Kasal, Kamatayan, Iba , at Paninirahan.
    • Sa kanang panig, maaari mong baguhin ang iyong mga katawagan sa pagsasaliksik.
    • Upang ilagay-sa-panahon ang iyong pagsasaliksik, pindutin muli ang Pagsasaliksik.
    • Upang malinis ang lahat ng mga larangan sa pagsasaliksik, pindutin ang Muling Ayusin.
  11. Pindutin ang pangalang ka-aya-aya sa iyo.

Paalaala: Bilang karagdagan, maaari kang magsaliksik sa pamamagitan ng Pagbibigay ng ID o Bilang ng Salansan ng Ninuno. Sa kanang panig, hanapin ang Mga Pagpipilian ng Magdagdag ng Tala. Pindutin ang alinman sa Pagbibigay ng ID o Bilang ng Salansan ng Ninuno, at ilagay ang kabatiran.

Magkakaugnay na mga lathalain


Ano ang Salansan ng Pagkukunan ng Angkan?

Paano ko hahanapin ang bigkas na mga angkan sa FamilySearch?
Ano ang International Genealogical Index (IGI)?

Nakatulong ba ito?