Paano ko tatanggalin ang posibleng dalawahan sa listahang Hindi Magkatugma sa Family Tree?

Kung ikaw o ibang tagagamit ay hindi sadyang minarkahan ang posibleng dalawahan ng "hindi katugma", madali mo itong mapapanumbalik.

Mga Hakbang (website)

  1. Samantalang nakalagda sa FamilySearch, pindutin ang Family Tree.
  2. Pindutin ang pangalan ng tao.
  3. Pindutin ang Tao.
  4. Kung hindi mo makita ang Mga Mahahalaga sa malapit sa tuktok ng pahina, malapit sa kaliwang tuktok, pindutin ang Mga Detalye.
  5. Magbalumbon pababa sa bahaging Mga Kagamitan sa kanan.
  6. Pindutin ang Posibleng Mga Dalawahan.
  7. Pindutin ang Pina-alis na Mga Katulong.
  8. Kasunod sa partikular na dalawahan, pindutin ang Maaaring Katugma.
  9. Pindutin ang OK.
  10. Ang dalawahan ay lilitaw sa tab na Posibleng Mga Dalawahan para muling suriin.

Mga Hakbang (mobile app)

Ang katangiang ito ay kasalukuyang hindi magagamit sa Android. Narito ang mga hakbang para sa Apple iOS:

  1. Sa Family Tree mobile app, tapikin ang Tree.
  2. Tapikin ang tao.
  3. Sa tuktok ng kanang sulok ng tabing, tapikin ang tatlong tuldok.
  4. Tapikin ang Marami Pa, at saka tapikin ang Kamakailang Mga Pagbabago.
  5. Bumalumbon sa partikular na Hindi Magkatugmang pagbabago, at tapikin ang berdeng kahong Panumbalikin.
  6. Ang dalawahan ay lilitaw ngayon sa bahaging Posibleng Mga dalawahan para muling suriin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa ngayon, ang Family Tree Lite ay nagpapahintulot sa iyong makita ang tala ng Mga Maaaring Dalawahan subalit walang kakayahan sa paglutas sa mga ito.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano pagsasamahin ang posibleng mga dalawaha sa Family Tree?
Paano ko pagpapasiyahan kung ang dalawang tala sa Family Tree ay tungkol sa magkaparehong tao?
Paano ko kakalagin ang pagsasama sa Family Tree?
Paano pagsasamahin ang mga dalawahan sa Family Tree ayon sa bilang ID?

Nakatulong ba ito?